Chapter 11 - Van???
"Oi, Rhian!" Tila napako si Charmaine nang makita si Rhian na paika-ikang naglalakad pabalik sa kanilang lamesa. Agad itong lumapit sa kaibigan at hinawakan ang magkabilang balikat nito para suportahan sa paglalakad.
Pagkarating nila sa mga kasamahan nila ay agad naman silang napansin ng mga ito.
"Oh, ano nangyari diyan?" Takang tanong ni Jethro dito at agad din napatayo para tulungan ang kasintahan.
"Lasing na ata" sabi ni Charmaine at agad narin umupo sa tabi ng mga kasamahan.
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng magkakaibigan dahil sa naging hitsura ni Rhia na tila ginahasa at matagal ng wang ligo. May suot itong puting damit na may mantsang itim, gulong-gulo ang buhok at tila may hawak itong maliit na manika.
"Ano 'yang hawak mo?" Curious na tanong ni Charmaine at agad na kinuha ang maliit na manika na hawak nito.
Hindi naman pumalag si Rhian sa ginawa ni Charmaine subalit nabahala naman ang iba pa nilang mga kasamahan ng makitang nanlaki ang mga mata ni Charmaine. Kasunod nito ay tila nakakabinging sigaw ang nagmumula sa kanya habang hawak-hawak ang dibdin nito.
"AAAAHHHHH!!"
Agad naman napapasok si Kela at Lawrence nang marinig ang sigaw at tila sila ay napahinto ng makaamoy ng nakakasulasok na amoy na di malaman kung saan nanggagaling.
"Anong nangyayari dito?" Takang tanong ni Lawrence pagkalapit sa kanila.
Tila nagmimistulang kinukuryente si Charmaine dahil sa nangyayari. Umuungol parin ito na parang iniinda ang sakit sa kanyang dibdib at napapasigaw minsan na ikinabahala ng mga kasamahan niya.
Agad na lumapit si Lawrence dito at hinawakan si Charmaine. Pagkahawak ni Lawrence sa kanya ay agad siyang napalingon sa babaeng nakaupo sa tabi niya habang masamang nakatingin sa kanya.
Agad napatayo si Lawrence at unti-unting napaatras ng makita ang babae. Lalong bumalot ang kaba sa mukha ni Lawrence nang makitang ngumiti ito na tila nais siyang kainin ng buhay.
"Lawrence? Okay ka lang?" Alalang tanong ni Kela dito at ti-nap ito sa balikat dahilan para mapabalik ito sa kanyang ulirat at napatingin sa kay Rhia pero hindi na niya nakikita ang babae kanina.
"Ano ba talaga nangyayari dito?" Pag uulit ni Kela sa tanong subalit parang walang nais magsalita sa magkakaibigan. Batid sa mga mukha nito ang kaba at takot dahil tila nanginginig pa sila. Si Jethro lang ang tila nasa katinuan at agad na binasag ang katahimikan na matagal nabuo sa pagitan nila.
"Nagpaalam kasi si Rhia, na magpunta ng banyo kanina. Nag-alala si Charmaine kasi ilang minuto na itong hindi bumabalik kaya agad siyang hinanap nito" napahinto muna si Jethro sa pagsasalita at nilapitan si Rhia at hinawakan sa magkabilang balikat. "PagkArating nila sito---lahat kami nagtaka kasi tila paika-ika siyang naglalakad"
Nagkatinginan si Kela at Lawrece at agad napakuyom ng suntok si Lawrence at gumuhit ang kaba at takot sa mukha ni Kela nang marinig ang huling sinabi ni Jethro.
"Pagbalik niya. Isang lumang uniforme na sira-sira ang naging suot niya. At an tila nakakapagbagabag sa amin ay ang hawak nito" huminto ai Jethro at ini-angat ang ulo para tignan ang dalawang nagtatakang nakatayo.
"Anong hawak niya?" Lawrence asked.
"Ito" pagkataas ni Jethro sa maliit na manika na hawak nito ay tila napaupo si Lawrence at napahawak sa sentido nito at bakas sa mukha ang gulat, takot at nanginginig ito. Agad naman siyang tinulungan ni Kela para patayuin ulit.
"Are you okay?" Alalang tanon ni Kela dito.
Nagkatinginan si Kela at Jethro sa nangyari kay Lawrence. Ang mga kasamahan nila ay hindi na nakakasali aa usapan dahil kanina pa kinain ng antok sa dami ng alak na nainum.
"Umuwi na kayo" nakakatakot na boses ni Lawrence na tila galit ito. Agad napaatras ng kunti si Kela at napatingin sa seryosong mukha ni Lawrence. Napaawat pa ng bahagya ang kanyang bibig sa nakakatakot na awra ng lalaki.
Hindi na nagsalita pa si Kela at Jethro. Agad naman itong tumayo at tinulungan na makatayo si Rhia. Binuhat naman ni Lawrence si Charmaine.
Napatingin pa si Kela sa mukha ni Rex nang bigla itong ngumiti sa kanya at agad na tumayo. Napapitlag si Kela sa ginawa nito at agad na napatayo.
"I can handle myself." Sabi nito at nag-inat bago tinulungan si Connie at parang wala lang na binuhat ito at iniwan si Kela na nagtataka.
Agad nabagabag si Kela nang makita na hawak ni Connie ang manika na kadalasan nakikita saan man sulok ng bahay. Magsasalita na sana ito at susundan sila nang bumalot ang kaba at takot sa buong sistema ni Kela dahil sa nakitang reaksyon ni Connie.
"Samantha."
***
"Sigurado ka bang kaya mo magdrive, Jethro?" Alalang tanong ni Kela dito habang nasa sasakyan na sila. Agad napabaling ang tingin ni Kela sa mga kasama ni Jethro na may pagtataka sa mukha.
"Kela?" Tawag ni Jethro sa pangalan nito sabay wagayway sa kanyang palad sa harapan ni Kela. Agad naman itong napapitlag at napatingin kay Jethro.
"May sinasabi kaba?" Takang tanong niya dito na ikinakunot noo ni Jethro.
Napabuntong hininga na lamang ang lalaki bago pinakawalan ang ngiti. "Kanina pa kita kinakausap pero tila lumilipad ang isip mo. Salamat pala. Happy 18th birthday"
Ngumiti lamang si Kela at agad na sinulyapan ang babaeng mataimtim na nakatingin sa kanya mula sa loob ng kotse. Nakasuot ito ng uniforme kung saan sila nag-aaral. Nakakatakot ang mga titig nito. At ang mas nakaagaw pansin ay ang suot nitong Identification card.
"Kela, aalis na kami" agad naman napabalik sa ulirat si Kela ng magsalita ulit si Jethro at agad naman pinaandar ang makina ng sasakyan.
Hindi agad pumasok si Kela sa loob ng bahay. Pinanuod nito ang kotse ng mga kaibigan hanggang sa hindi na niya ito makita.
Tila balisa parin si Kela sa nakita kanina at hindi agad-agad nagsisink in sa isip niya kung anong merun sa babaeng 'yun.
Agad siyang napapitlag sa narinig na boses mula sa kanyang likuran. Bahagya pa siyang napahawak sa kanyang dibdib.
"Okay ka lang?" Tanong nito at agad na lumapit kay Kela habang nasa likuran nito ang dalawang kamay.
Hindi na nag-abala pa si Kela na tignan kung sino ang nagsalita sa likod niya at agad na itong sumagot. "Oo. Im find"
"Napansin mo rin ba?" Panimulang tanong ni Lawrence dito matapos ang ilang minutong katahimikan na bumalot sa pagitan nilang dalawa. Mula sa malalim na pag-iisip ni Kela ay agad na napalingon sa kasamA na bumuntong hininga.
"Ang alin?" Nagtatakang tanong ni Kela dito dahil sa seryosong tanong nito.
"Ang manika."
Nanlaki ang mga mata ni Kela sa sinabi ni Lawrence. Dahil tila nangyari na ito sa kanya. Hindi mapagkakaila na bumalot ang kaba sa kanya kasabay ito ng pag-ihip ng napakalamig na hangin dahil tila mag-uumaga na.
"Okay Ka lang?" Alalang tanong ni Lawrence dito nang hindi ito magsalita. Agad siyang umiwas ng tingin at napabuntong hininga. Hindi ito umimik at tila may iniisip na naman.
"Napansin ko. Tila magugulatin ka mula kanina"
Hindi na lamang nagsalita pa si Lawrence dahil napansin na tila ayaw ni Kela mag-open up sa problema niya. Agad naman napacross arms si Lawrence sa kanyang dibdib at tinignan ang bahay sa kabilang kanto.
"Kela?" Bulong ni Lawrence dito dahilan para mapa-angat ng ulo ang dalaga. " Isa sa mga kaibigan mo kanina ang... MAMAMATAY"
Agad napatayo si Kela at nanlaki ang mga mata sa sinabi ni Lawrence. Hindi agad nakapagsalita si Kela at tinatanaw na lamang ang papalayong katawan ni Lawrence papuntang kabilang bahay. Subalit bago pa man mahawakan ni Lawrence ang mini gate ng boarding house ni Kela ay agad itong napahinto.
"Anong ibig mong sabihin?" Nanginginig na tanong ni Kela. Subalit hindi man lang siya nilingon ni Lawrence at agad na humakbang palabas. Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Lawrence ng magsalita ito na ikinalaki ng mata ni Kela.
"Dinala nila ang manika... Na magdadala sa kanila sa katapusan nila"
***
Hindi matahimik si Kela sa kanyang higaan at tila nababagabag parin siya sa sinabi ni Lawrence. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata ay hindi siya dalawin ng antok dahil sa dami ng katanungan sa kanyang isip. Agad siyang napatingin sa relong nasa wall niya at napansin nasa imponto alas tres y medya ng madaling araw.
Dahil sa hindi siya dinadalaw ng antok kaya napag isipan na lang nito na magkape nalang. Kaya agad siyang lumabas at pumunta ng kusina. Dahil sa lalim ng iniisip ay hindi napansin ang pigura ng taong nakasunod sa kanya mula sa likuran nito.
Agad na kumuha si Kela ng baso at nilagyan ito ng mainit na tubig. Kumuha rin ito ng Great taste at agad na binuhos sa basong may mainit na tubig. Nasa kasagsagan ng pagtimpla ng kape si Kela nang makarinig ito ng nabasag mula sa labas ng kusina.
Unti-unting naglakad papalapit si Kela dito. Habang papalapit siya ay Hindi niya mapigilan hindi kabahan sa naririnig na yapAk at kaluskos na tila naglalarong mga bata.
Nakakarinig siya ng impit ng tawa. Mayamaya naman ay iyak at tawa na naman. Nagmistulang nasa karera ang dibdib ni Kela sa bilis ng pintig nito. Nang malapit na siya sa pintuan ng kusina ay nanlaki ang mga mata sa nakitang taong nakaupo sa upuan habang naglalaro ng manika.
"Van??