Chapter 20 - Secret of the past "Bro?" Agad akong napabalik sa ulirat ng tinapik ako ni Rex sa balikat. Nakita ko ang mga mata nilang naghihintay sa sasabihin ko. "Ano? Tutunganga ka lang diyan? Hindi ka hihingi ng sorry?" Pigil na galit nito. Tila nais akong sampalin pero hawak kasi ni Kela ang dalawang kamay nito. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Van. "Sorry" bulong ko na lamang at umalis na silang lahat. Narinig kong napabuntong hininga na naman si Rex habang naka-akbay ito sa akin. "JOANA?" Bigay diin nito sa pangalan na binanggit. Kahit hindi ko ito tignan, alam kong nakangiti ito. "Til now, Joana parin pala bro? Napagkamalan mo pa si Kela." Hindi ako umimik sa sinabi niya at kinabig ko ang kamay niya na naka-akbay sa balikat ko at iniwan siya. Kasi kapag nagpa

