Chapter 19

1459 Words
Chapter 19 - Behind the Album (Who are you?)   Third Person's POV   Hindi na mapakali si Kela ngayon, tila alam na niya ang nais mangyari ni Samantha. Alam na niya kung bakit nais nitong maghigante.    "Hindi ko hahayaan na magtagumpay ka, Samantha" sabi ni Kela habang hawak ang album na akala niyay kinuha ni Charmaine bago ito mamatay. Tinignan niya ang mga picture dito, so far wala naman importante dito. Kasi mga picture lang ito ng mga kababata nila, pati siya. Pero ang ipinagtataka ni Kela. Bakit may kakaiba sa alabum?   Naramdaman niyang tila kinikilabutan siya sa bawat pahina ng album dahil hindi na litrato ang kasunod, kundi isang... MENSAHE.   Nanalaki ang mga mata ni Kela pagkabasa sa nakasulat. Hindi niya inaakala. "All this time. Siya pala, siya pala ang pumatay sa kapatid ko." Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ni Kela. Hindi niya sukat akalain na kayang pumatay ng katulad niya. Maamong mukha, mabait na aura, maalaga at higit sa lahat, MAHAL na niya ito.   Napahagulgol na lamang si Kela sa nabasa at ang picture na nakita. Kaya pala tila halos lahat ng nangyayari ay pamilyar sa kanya. Kaya pala tila halos ng nakikita niya ay parang ay koneksyon sa kanya. Dahil ito sa katawan ng ate niya.    "Ate?" Tawag ni Kela sa picture ng kapatid habang sapu-sapo ang nakangiting litrato ng kapatid. "Sorry..."   Kahit nakahiga na si Kela ay panay ang bulong ng "Sorry" hindi kasi maalis sa balintataw nito ang mga kataga at babalang nakasulat sa huling pahina ng Album. Kasi kasunod nito ay blangko na.    Marahan ng ipinikit ni Kila ang mata at unti-unti ng kinain ng antok.   "Ate paglaki natin... wag kang mawala sa tabi ko ah." Magalang na sabi ng isang bata habang maamong nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya.   "Oo naman. Tandaan mo, laging nandito si ate sa tabi mo, anuman ang mangyari." Sabi ko dito habang hinahaplos ang malaporselana nitong buhok na hanggang balikat.   "Jaja! Shasha!" Sabay kaming napalingon sa lalaking tumawag sa amin. Heto na naman ang puso ko, tila hindi na naman magkandamayaw ito sa bilis ng pintig. Ayoko maramdaman ito kasi hindi pwedi. Bawal pa sa akin ang magkagusto dahil bata pa ako.   Nakangiti itong lumapit sa amin habang may dala-dalang pagkain. Agad naman niya itong hinati sa dalawa at binigay sa amin ni Jaja. Tila natuwa ako sa ginawa ng bata. Kahit si JAJA ay kitang-kita ko ang paghugit puso ng dalawang mata nito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kunting kirot sa dibdib ko pagkakita sa masayang dalawa na magkasama...   Dahil sa naramdaman ko ay umiwas na ako. Simula sa araw na iyon, umiwas at hindi na talaga ako sumama pa sa kanila kahit saan sila pumunta.   "Kela?" Hindi ko iminult ang mga mata ko pagkarinig sa malambing na boses na nagsasalita sa tenga ko. Tila para itong bulong na kay sarap sa pndinig.   "Kela, gising na. My klase ka pa." Duon ako natauhan sa sinabi niyang may klase pa ako. Mabilis akong napamulat ng mga mata at nakita kong malpit ng mag- 7:30 am. Male-late na ako.   "Bakit ngayon mo lang ako ginising?" Hindi ito nagsalita at nakatingin lang sa akin. Kaya napakunot noo na lamang ako at napanganga ng mahimasmasan ako.   "Labas muna, Lawrence" nahihiyang sabi ko. Nakita ko naman itong napaiwas ng tingin at pumipula ang pisngi. Tama ba yung nakita ko? Takang tanong ko sa sarili ko.   Mabilis narin itong umalis pagkasabi ko nun. Nakasando lang kasi ako at nakashort. Nakakahiya nga e. Baka my tulo ng laway pa ako. Nakita na niya. Kainis naman kasi lalaki na ito e. Bigla-bigla pumapasok sa kwarto ko. Matapos kong magmoment kasama ang banyo, agad na akong lumabas at nag-ayos ng sarili. Naglinis at nagbihis, malayang tinignan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Ang ganda ko talaga.   Nang mapatingin ako ng bahagya sa paanan ko, muntikan na akong mapatalon ng makita ko ang postura ng babae sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko dito. She embraced with her hands, her nail is black as the dark night.   In a split of a second, I felt her hands hug me. Her hug full of anger, sorrow and woe. I can feel it. The eagerness, the vengeance. Samantha.   I cant move. My breath started to slow, nanghihina ako. Hanggang sa maramdaman ko na tila may binubulong ito sa sarili ko.   "Miss mo ba ako, Ate?"    Hindi ako maka-imik, hindi ako makagalaw. Tanging pintig ng puso ko lamang ang aking naririnig. Tila napipi ako at parang huminto sa pag-inog ang mundo sa nalaman ko. Narinig ko na ang boses na iyon. Narinig ko na ang malambing na boses na ito.    Hindi ko namalayan, tumulo na ang luha ko. Hanggang nauwi ito sa hagulgol. Hindi ko namalayan ang oras. Hindi ko namalayan ang paglipas nito dahil sa nalaman ko. Kung ganoon, tama ang hinala ko, tama ang lahat ng nakikita ko.   Ang litrato, ang album, ang mukha ni Charmaine at Rhian. Si Ate nga ito. Siyang siya. Pero paano nangyari ito? Ano ang nangyari sa kanya nung lisanin ko ang lugar na ito sa gabing iyon?   Akala ko ba sila na? Akal ko ba sa pagbabalik ko, magiging masaya ako kasi masaya narin ang babalikan kong pamilya. Pero mali ako, mali ako dahil.... wala na sila dito.     Jethro's  POV   Mula ng mangyari ang gulo na iyon sa mismong bahay na iyon. Hindi na ako pinapatahimik ng kaluluwa ko. Akala ko hindi na ako hahabulin ng konsensya ko, akala ko magiging okay na ang lahat. Akala ko mali ang mga nakikita ko. Akala ko lang pala ang lahat, dahil lahat ng nangyayari ay totoo.   "Okay kalang bro?" Agad akong napatingin kay Rex na kakarating lang galing canteen habang may hawak-hawak na bote ng mineral water. Agad ko naman kinuha ang isang bote na inaabot niya sa akin.   "Okay lang ako." Tipid kong sagot dito. Wala ako sa mode para makipag-usap.    "Napapansin ko lang bro. Ang tamlay muna mula nung namatay si Char---" hindi ko na ito pinatapos ng sasabihin dahil mabilis akong tumakbo at kinuha ang bola ng soccer.    Nasa field kasi kami ngayon at napabalik ako sa nakaraan ng makita ko ang maamong mukha ni Kela na kasamang nakangiti si Aria at Anne. Habang naghaharutan si Mark at Nesami kasama si Van. Ngayon lang nabuo ulit ang magkakaibigan. Mukhang may bago silang kaibigan, lalaking my suot na salamin at mukhang wala ito sa mode palagi dahil laging nakakunot ang noo.   Nang ipokus ko na ang mind ko sa paglalaro ay narinig kong bumuntong hininga si Rex sa likod ko. Hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy na lamang ako sa pagtakbo habang sipa-sipa ang bola ng soccer.   "You can shareip it. We are bro, remember that." Sabi nito at mabilis na naagaw sa akin ang bola. Mabilis pa sa kidlat itong sinipa ang bola at huli na ako nang mahabol ito dahil naka-shot na ito sa goal niya.    Napakamot na lamang ako ng batok. Kahit kailan, madaya talaga maglaro ang ulol na ito. Bumalik ito sa pwesto ko habang hawak sa kabilang kamay nito ang bola ng soccer habang nakalagay ito sa hips niya. Dala-dala pa ng gago ang malapad na ngiti.   "If you play the game. Be sure that your mind is still focusing on it. You dont know your enemy. Kung kailan ito aatake at sisipain ka patalikod. Hindi mo rin alam, na baka ang pinagkakatiwalaan mo ay siyang ay kaya rin pa lang patayin ka." Napakunot noo ako sa sinabi nito. Bumuntong hininga muna ito bago ako nilagpasan. "Bro, hindi lahat ng nakakasalamuha mo ay kaibigan mo. Kapag naglaro ka, matuto kang lagyan ito ng sekuridad dahil baka hindi mo namamalayan, nasa kulungan kana pala."   Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi ni Rex. Lumulutang ang isip ko. Ang dami ko na ngang problema nagbigay pa ito ng nakakabaliw na riddle. Kaasar!    Nasipa ko ang maliit na bato sa paa ko ng buong pwersa dahil para lumanding ito sa diko napapansin na babaeng dumadaan.   "ARAAY!" Narinig kong daing nito habang sapo-sapo ang balikat na tinamaan ng bato. Buong lakas akong hinarap nito na punong-puno ng galit ang mukha.   "Hoy! Kuya! Kung may galit ka sa mundo sarilinin mo. Hindi yung nandadamay kapa ng ibang tao!!" Galit na sigaw nito. Halos lahat ng tao sa field ay napatingin sa amin. Agad naman napalapit sa amin ang mga team ko at kaibigan ng babae.   "Besty, okay ka lang?" Agad akong napatingin sa taong nagsalita. Ang boses na iyon, ang presensya na iyon, ang buhok, mata at ang taong ito.... nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala, nasa harapan ko muli siya. Ang babaeng matagal ko ng binaon s limot.                 "JOANA?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD