Chapter 18 - Suicidal
Nasa bahay na ako ngayon pero tulirot balisa parin ako sa sinulat ni Rhian at iginuhit. Iniisip ko kung ano ang ninakaw ko. Kung ano ang kinuha ko. Pero wala akong matandaan. Iisa lang ang maalala ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ito. Hindi ko mapigilang hindi kilabutan sa naalala ko. Sa sobrang takot ay hindi ko namalayan ay napaiyak na ako.
"Hindi. Walang akong inagaw saiyo. Wala akong kinuha saiyo, Samantha. Mali ang iniisip mo" sabi ko habang napapayakap sa album kung saan nakalagay ang mgaagagandang alaala namin dalawa.
"Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako." Hindi ko na kaya pang mabuhay kung ganito. Hanggang ngayon hinahabol parin ako ng konsensya ko. Hinahabol parin ako ng dahil sa kanya. Dahil sa iisang lalaki lang.
"Samantha. Kilala ko na kung sino ang tinutukoy mo. Kilala ko na kung sino ang kapatid mo. Pero hindi ko hahayaan na maunahan niya ako"
***
Alas-tres ng hapon nang umuwi ako galing school. Pumunta ako sa lugar kung saan alam kung makakatulong sa akin abouty case. Isa sa mga kakilala kong magaling sa paranormal activity.
"Good morning Ms. Valdez" masayang bati ko dito pagkArating ko sa kanya.
"Goodmorning, hija. Umupo ka" masiglang sabi nito na kahit nasa mid-50's na ito ay hindi mo mahahalataan na ganoon na ang edad.
"Anong maitutulong ko ulit" diretsong tanong nito sa akin. Kinakabahan man akoy pinilit ko parin sabihin ulit sa kanya ang mga nangyayari sa akin. Matapos kong magkwento sa kanya ay pinayuhan naman ako ulit nito.
"Hindi ba gumana ang mga sinabi ko saiyo dati Maine?" Nakatitig parin ito sa akin. Kahit nagsasalita siya ay makikitaan mo ito ng respeto at authority.
Strict mother.
"Opo. Pero mas lalo pong lumala" hinawakan nito ang nanginginig kong kamay at ngumiti sa akin.
"Marahil may kinuha kang mahalaga sa kanya kaya hindi ka pinapatahimik ng kaluluwa" tila napako ako sa sinabi ni Ms. Valdez. Wala Kong katagang makapa. Wala rin akong tinig na nailalabas sa bibig ko. Nanginig ako kaya hindi na ako nagsalita.
Nasa kwarto na ako ngayon pero tila umuulit-ulit parin sa tenga ko ang huling sinabi nito.
"Ibalik mo kung anong kinuha mo. Para hindi ka mapahamak"
Tila may pagkakapareho ito sa sinulat ni Rhian sa drawing niya bago ito mamatay. Sana hindi na lang ako umapak muli sa lugar na iyon. Sana hindi na lamang ako nagpakita pang muli.
Dahil sa wala akong tulog. Tila nahalata ni dad na matamlay ako. Pero hindi ko na ito pinapasin. Lihim akong kumakaim ng gamot pampatulog pero kahit anong gawin ko ay hindi parin ako makatulog.
Dalwang araw na akong hindi nakakapasok dahil sa pakiramdam ko ay lagi siyang sumusunod sa akin. Lagi siyang nakatingin sa akin.
Hanggang sa dumating ang gabi ng friday 11:30 pm. Nasa study table ako at nagbabasa ng libro nang makarinig ako ng ingay mula sa aking likuran. Akala ko si Yaya lang ito na kinukuha ang mga gamit na hindi nalabhan. Pero habang tumatagal ay mas nagiging agresibo ang kaluskos na tila may kinikiskis sa sahig.
Mabilis akong lumingon dito at nanlaki ang mga mata ko. Ang drawing ni Rhian ay nasa harapan ko. Babaeng pugot ang ulo. Makikita ang marka ng lubid sa leeg nito. May kutsilyong nakatarak sa kanyang dibdib.
Gusto kong sumigaw pero wala akong boses. Tila nawala lahat ito sa takot ko. Hanggang sa maramdaman ko na lamang ang malamig at magaspang na kamay sa dalawang paa ko.
"AAAAHHHHH!!"
Kela's POV
Nasa gate na kami ngayon ng bahay nila Charmaine pero di parin maalis sa aking balintataw ang mukha ng lalaki kaninA. Ang naging hitsura nito. Tila kinilabutan ako sa naisip ko.
"Kela. Nandito na tayo?" Pukaw sa akin ni Connie at agad na itong bumaba.
Mabilis naman din akong sumunod sa kanya. Tila napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang lalaking nasa harapan ko. Hindi pweding mangyari ito. Hindi pweding nandito siya. Hindi pweding siya ang ama ni Charmaine.
"Kela?" Tawag ulit sa akin ni Connie na pumukaw sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita. Sana. Sana makilala niya ako. Miss na miss ko na siya.
Kahit kinakabahan na naman ako sa mga matang nakatitig. Hindi ko na lamang ipinahalAta ito sa kanila.
"Paano daw po siya namatay tito?" Tanong ni Connie dito pagkarating na pagkarating namin. Tinapunan lang kami nito ng tingin. Makikitang sobra itong nasasaktan sa pagkawala ng anak dahil sa marka ng itim na eyebags na nakapalibot sa kanyang singkit na mata.
Tila nasaktan ako sa tingin niya. Ang sakit sakit. Nakalimutan na nga niya ako ng tuluyan. Hindi na nga ako makilala ng taong labis kong namimiss. Gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi pwedi. Gusto ko siyang sumbatam pero alam kong hindi pa ito ang oras. Dahil kakamatay lang ng k--- ni Charmaine.
Nanlaki ang mga mata ko pagkapasok namin sa kwarto nito. Maraming tao na nandito at nakiki-usyoso. May mga pulis at NBI din na nandito. May mga camera ka pang makikita.
Kung hindi lang kami kilala ng tatay ni Charmaine. Ay mali. Kung hundi lang sila kilala ng tatay ni Charmaine hindi kami makakasok. Sila Jethro, Rex at Connie lang ang kilala nito. Hindi ako kilala ng tatay ni Charmaine. Hindi. Parang ang sakit tanggapin. Na hindi ka kilala ng lalaking pinakamamahal mo sa balat ng lupa.
Tila ayaw ko ng makita ang hitsura ni Charmaine. Kanina lang sa daan ay sabog na ulo ang nakita ko at nagkalat sa semento pati dugo. Ngayon, dugo na naman. Bakit ang lupit ng mundo. Halos masuka ako sa amoy ng kwarto.
"Mga anong oras po siya namatay tito?" Tanong ni Jethro dito na tila tulala paring tatay. Hindi si Tito ang sumagot sa kanya kundi ang katulong nila.
"Alas Cuatro po sir" sabi ng yaya ni Charmaine.
Agad akong pumasok sa kwarto at duon ko nakita ang kaawa-awang mukha ni Charmaine. Tila sanay na ako sa kaluluwa o paranormal na nangyayari pero dito sa nangyari kay Charmaine, tila lahat ng tapang ko sa multo ay naglaho. Iba na kasi ito. Ibang-iba, agad akong napa-atras pagkakita ko sa katawan nito. Ang amoy ng mapanghing dugo at ang nakakasuka nakakatakot nitong hitsura.
Tila nasa isang haunted house ako ngayon at nagmistulang dinaanan ng bagyo ang kwarto niya. Napansin kung tila tumutulo parin ang malapot na dugo nito mula sa kanyang paa pabagsak sa lupa. Nakamulat ang mga mata niya na tila luluwa na. Napa-awang ang bibig at may tuyong dugo na dito na pilit lumalabas bunga siguro ng pagsakal niya sa sarili niya ng tali.
Kumalat ang dugo niya sa sahig. Ang sama ng amoy. Nakakasuka. Unti-unti kong naramdaman ang kakaibang kaba sa katawan ko. Hanggang sa umabot na ito sa buong sistema ko. Sumasabay pa ang lakas at bilis ng pintig ng puso ko na halos hindi na ako makahinga.
Napatingin ako sa mga kasamahan kong pinapaligiran parin ang katawan niya. Agad naman itong pinagtulungan ng mga pulis ang bangkay para ibaba. Nakikita ko parin si Connie na umiiyak habang yakap si Rex. Hindi na naman nagsasalita si Jehtro. Nang mapadako ang tingin ko sa kanya ay bahagya akong napa-atras sa tingin niya. Hindi ko maintindihan pero tila pamilyar sa akin ang awra niya, tindig at titig. Tila nangyari na sa akin ito.
Dahil sa kaba ko at hindi ko na kaya pang tignan ang mga nangyayari ay nagpasya na lamang akong lumabas. Subalit hindi pa man ako nakakahakbang ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko sa dingding sa likuran ko.
Agad akong napatingin kay Jethro at napansin kong bahagyang kumurba ang tipid na ngiti nito sa labi nang makitang nanlaki ang mga mata ko s nakasulat sa dingding.
***
Nasa bahay na ako ngayon pero tila hindi ko parin alm kung bakit nangyayari ito at kung sino at ano ang dahilan ng lahat ng ito.
Bakit parang nakita ko na ang lahat ng nangyayari? Bakit may kakaiba sa mga tindig, titiig at ngiti ni Jethro.
Hindi kaya?
"Sana mali ang iniisip ko" nasabi ko na lamang at napabuntomg hininga.
Agad bumalik sa isipan ko ang nakasulat sa pader ng kwarto ni Charmaine nang makita ko ang postura nito sa pintuan ng kama ko papuntang terasa. Agad akong napabangon at napalingon dito. Unti-unto na naman nabubuo ang kaba sa aking dibdib.
Tila sumasayaw pa ang kurtina ng aking kwarto sa salyo ng hangin. Ang lamig nito, tagos hanggang buto na tila nakakapangilabot. Kinakabahan at the same time ay halos maihi na ako sa takot. Muntikan na akong mapatalon ng biglang kumidlat na tila nagdala pa ng liwanag dahilan para maaaninag ko ang mukha ng babaeng masa labas ng pintuan ng kwarto ko papuntang Terasa.
Masama itong nakatingin sa akin habang tumutulo ang dugo sa bibig niya.
May hiwa sa bandang pisngi niya at kitang-kita parin ang ekspresyon ng galit nitong mukha.
Agad akong napa atras at muntikan na akong mapatili ng may matigas na dibdib akong nabangga. Agad akong napatitig sa nakakunot nitong noo at unti-unting napayakap sa kanya. The moment I hug him, I feel safe in his arm lalo na nung niyakap niya ako pabalik na tila hinahagod pa ang likod ko. Napapikit pa ako. Pero laking gulat ko nung iminulat ko na ang mga mata ko.
Ang nakasulat sa dingding ko gamit ang dugo ay ito ang nakasulat sa ding ding mg bahay nila Charmaine. Tila nanghina ako sa nakita ko lalo na nung kitang-kita ko ang buong katawan ni Charmaine ngayon puno ng galit na tumitingin sa akin habang umiiyak ng dugo.
I WILL KILL YOU, KELA.
-Samantha