Chapter 17 - Vengeance
Agad akong bumangon sa kama at nagmadaling tinungo ang banyo. Mabilis din akong nagtungo ng kusina matapos kong gawin ang daily routine ko. Kailangan kong makausap si Charmaine ngayon. Dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Alam kong hindi siya ang nakita ko kagabi. Mula ng mangyari yun ay hindi na ako dinalaw pa ng antok. Alam kong isa itong babala. Dahil pagkahawak ko sa album kagabi ay nakita ko ang pangalan niyang nakasulat dito.
Nakita ko rin ang manika kagabi na hawak nito bago tuluyan tinahak ang kalsada palayo sa boarding house ko.
Papasok na sana ako ng gate sa university nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko. I miss her. Hindi man ako lumingon ay kilalang-kilala ko na ito.
"KELA!" Sigaw nito habang patakbong patungo sa akin. Nakangiti ito at mukhang maganda ang mode. Alam ko na ang balita dahil may hawak itong maliit na pang pocket na libro. Nakangiti ko rin naman itong binalingan.
"Guess what?" Sabi nito habang habol pa ang hininga. Ang lapad ng ngiti nito. Nagkibit balikat lamang ako at nagtaas ng kabilang kilay.
"I don't know?" Patanong na sabi ko.
"WAAAAHHH!!! BESTY! PUBLISHED NA ANG STORY KO!!!" Masayang balita nito at niyakap ako ng napakahigpit.
Ang saya ko para sa kaibigan ko. Nakalimutan ko pansamantala ang problema ko. Matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng published book mula sa w*****d. Noong high school pa lang kami ay pangarap na niyang magkaroon ng published book. Dahil sa higpit ng yakap niya, wala akong nagawa kung hindi suklian din ito. Halos masakal na kasi ako sa higpit nito.
"Masaya ako para saiyo besty! Manlilibre ka na ba?" Agad naman naalis ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng pout. Gusto kong matawa sa hitsura niyang parang inagawan ng lollipop. Kung makanguso kasi akala mo bagay sa kanya. Nagmumukha lang siyang manikang hindi nakakain ng isang taon.
"Dapat ako ililibre mo. Pero dahil masayang-masaya ako ngayon. Ililibre kita" sabi nito at agad na akong hinila papasok ng gate. Ang hyper niya ngayon. Mukhang wala pang tulog ang hitsura dahil sa saya. Nagbunga narin ang limang taong pangarap niya na magkaroon ng ganitong book. Naglalakad na kami sa hallway nang bigla itong huminto at napatakip ng bibig at umarteng gulat ito.
"May problema ba besty? Para kang nakakita ng multo? Wala naman ako muta, diba? Diba?" Takang tanong ko sa kanya na may halong pagpa-panic.
"Besty! Nakalimutan ko ang book ko na regalo ko saiyo. Birthday gift ko ang libro na yan ah. First published story ko yan e" sabi nito sabay abot sa akin ng story niya.
Cover pa lang nito ay tila ayaw ko ng tanggapin. Sawang-sawa na ako sa mga nararamdaman kong multo aa boarding house ko pero bibigyan pa niya ako ng HORROR story niya. Baka hindi na talaga ako dalawin ng antok nito. Minsan nga na napAtapon ang tingin ko sa sinusulat niya na story sa w*****d. Kinikilabutan na ako. Paano pa kaya kung published book na. Ibig sabihin nito ay fully descripted na ang mga pangyayari at maiintindihan na ng mabuti. Nakasimangot naman akong tumingin sa hawak niyang libro at sa kanyang mukha. Pabalik-balik ko lang itong ginawa at wala akong balak kunin ito.
"Bakit kasi ganyan ang regalo mo? Alam mo naman na hindi ako fan ng katatakutan diba?" Naiinis kong sabi rito. Sa halip na mainis din siya pero tumawa na lang ito at napailing.
"No! Dapat kunin mo yan besty! Suportahan mo ang maganda mong kaibigan. Bakla ka?! Magtatampo ako saiyo." Sabi pa nito habang patadyak tadyak pa.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa binigay niya sa akin. Agad kong tinignan ang pamagat nito. Tila maganda ito. Isang kataga lang ang pamagat pero agaw atensyon ito sa akin.
Lalo akong nagalak ng makita ko ang pangalan ko sa unang pahina. Tapos may pasasalamat pa ito sa akin. Pati pala mga inikwento ko sa kanay isinali niya sa book na ito. Kaya mas lalo itong nagpadagdag ng kuryosidad ko.
Akmang bubuksan ko na ito ng marinig ko si Jethro sa kabilang bangko. Hindi ko na sana papansinin ito subalit nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong sinabi nito.
"Dalawang araw nang hindi pumapasok si Charmaine. Mula ng mamatay si Rhian. May alam ka ba kung saan siya pumunta bro?" Tanong nito kay Rex na kasama si Connie. Nagkatinginan naman kami ni Van sa narinig namin. Bumalot na naman ang kaba sa aking buong katawan sa narinig ko. Mabilis kong naalala ang manika at lumang album kanina na nakita ko sa boarding house.
"Bakit? Diba kasama mo siya kahapon? Nakita ko kayong dalawa sa restaurant?" Takang tanong ni Connie dito. Nanlaki naman ang mga mata ni Jethro dito.
"Oo nga bro. Nakakasar nga kayo. Akala ko tropa tayo. Pero nagbonding kayo ng wala kami" tila naasar na tinig ni Rex na mas lalong nagpalito sa hitsura ni Jethro.
"Hindi ko kasama si Charmaine kahapon." Nalilitong tinig nito. "Tsaka, tinatawagan ko siya, hindi niya sinasagot. Ilang beses ko pang tinext ito pero ni isang reply wala akong natanggap sa kanya."
"Pero sino kasama mo kahapon na nakita ko?" Nalilito rin na tanong ni Connie dito pabalik. Nagtataka man si Jethro at nalilito ay tinignan na lamang ng diretso ang dalawang kaibigan.
"Hindi ko alam. Pero wala akong kasama kahapon. Mag-isa lang ako." Nagpalinga-linga ito bago bumulong sa mga kasamahan. "Pero bago ito umuwi ng bahay nila nung huli kong makita. May hawak siyang album at manika." Pagkasabing-pagkasabi ni Jethro nito ay halos manghina ako sa narinig at pinagpapawisang napahawak Ako sa bag ko. Sabay napaupo.
Kitang-kita ko ang takot na rumihistro sa mukha ng dalawang kasama nito. Kahit ako ay napakapit ng mahigpit sa edge ng armchair ko. Sabi ko na nga ba.
"Paano nangyari 'yun? Diba sinunog na natin ang album na iyon. Teka manika?" Nagtatakang tanong ni Connie dito bago silang tatlo na tumingin sa akin.
"Yung manika ba na hawak ni Rhian sa boarding house ni Kela?" Nagtatakang tanong ni Rex dito habang nakatingin sila sa akin.
Hindi man ako nakatingin sa kanila pero ramdam kong nakatuon ang mga mata nila sa akim dahil nakikita ko sa peripheral vision ko ito.
"Oo." Tipid na sagot nito bago sila tumahimik dahil dumating na ang English professor nAmin. Napatingin ako sa katabi kong upuan. Bakante ito. Bakit kaya hindi pumasok si Anne?
Natapos ang morning session namim na wala akong kasama. Pagkalabas ng huling Professor namin ay agad kong hinanap ang cellphone ko at tinawagan ang bestfriend kong busy sa proposal ng title nila sa thesis.
Akmang tatayo na ako at lalabas nang marinig ko ang boses ni Connie sa tabi ko.
"Kela... Can we talk?" Seryosong tinig nito sa akin. "Sa rooftop tayo"
Agad na akong sumunod sa kanya ng maglakad na ito palabas ng classroom. Hindi man ito nagsasalita pero kinakabahan ako. Hindi ko alam pero ngayon ko lang ulit sila nakitang ganito kaseryoso sa akin. Matapos silang mapa-DSA dati sa pagbubully nila sa akin. Mula noon. Naging iba na ang pakikitungo nila sa akin.
Paakyat na sana ako sa rooftop ng hindi ko sinasadyang marinig ang usapan sa kabilang classroom.
"Hindi kaya... Isa rin siyang mangkukulam?" Tinig ng babae na bumubulong. Parang nanginginig pa ito.
"Tumahimik ka nga. Baka marinig ka niya"
Hinayaan ko na lamang ito. Hindi ko rin naman alam kung sino pinag-uusapan nila. Agad na akong nagtungo sa rooftop at nadatnan ko silang tatlo doon. Pagkabukas ko ng pintuan sa rooftop ay natuon ang tingin nilang tatlo sa akin. Tila seryoso ang usapan nila dahil nagulat pa sila sa paglabas ko. Bahagyang napaatras mg kunti si Jethro na dahilan para kabahan ako.
They are acting weird today. Theu seem scared to my presence. Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at lumapit sa kanila.
"Kela?" Tawag sa akin ni Connie pagkalapit ko dito. Agad naman akong napatingin sa kanya at kitang-kita ko ang kakaibang tingin niya. Napatitig din ako sa dalawang lalaki at tila kakaiba ang awra nila ngayon. Lalo ng makasalubong ng tingin ko ang tingin nila. Tingin na hindi ko maipaliwanag. Tila hindi ko gusto ang mga titig nila.
"Alam ko may gusto kayong sabihin. Burst it out. Marami pa akong gagawin" iritang sabi ko dahil hindi ko gusto mga titig nila. Bumuntong hininga muna si Connie bago nagsalita.
"Bakit nasa iyo ang notebook, diary pati Album ni Rhian at Charmaine?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong na iyon. Tila nabingi ako.
"What?" Takang tanong ko dito. At may ipinakita siyang notebook at album na hawak. Nagtaka naman akong napAtingin dito. "Then? What's the matter?"
"Nakita namin ito lahat sa boarding house mo" kinabahan ako sa sinabi ni Connie. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito ang dahilan kung bakit kinakabahan ako kanina.
"Paano napunta yan doon sa boarding house mo Kela? May alam kaba sa lahat ng ito?" Seryosong tinig ni Rex. Tila para akong nasa presinto na inuusisa dahil isa ako sa suspek ng krimin.
"Aba! Malay ko. Diretsuhin niyo na ako. Pero ito masasabi ko sa inyo. Wala akong kinalaman sa iniisip niyo" sabi ko at agad ng nagwalk-out. Hindi naman nila ako pinigilan pero nang malapit na ako sa pintuan ay kusang paa ko na ang hindi makahakbang sa huli kong narinig.
"Patay na si Charmaine"
Pagkarinig ko nito ay tila paulit-ulit ito sa akong utak. Kagabi lang ay nakita ko pa siyang kinuha ang album na iyon. Kaya pala nakasulat sa unang pahina nito ang salitang nagpapabagabag sa utak ko mula kagabi.
Vengeance.
***
Pagkarinig ko sa sinabi ni Connie ay tila hindi ko na maihakabang ang mga paa ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit namatay siya. Ganoon din ang nangyari kay Rhian bago ito namatay. Nakita ko rin siyang hawak ang manika na iyon. Akala ko isang panaginip at hallucination lang ang lahat pero hindi. Totoo na ito. Hindi ako nananaginip dahil nangyayari ito.
Anong kinalaman ko dito at bakit tila nakikita ko ito?
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang guilty ako at hindi ko sila pinigilan.
"Tumawag si Tito Lucas kanina. Ibinalita sa amin na nagpakamatay raw si Charmaine kagabi" salaysay ni Jethro.
Tila nanghina ako sa aking narinig. Parang nangyari na ito. Parang nakita ko na ito sa panaginip ko. Bakit ganito? Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Magkahalong tuwa at takot. Kaba at lito at ang pinaka nakakapagtaka. Bakit parang kinakabahan ako?
"Saan siya ngayon? Hindi ba kayo pupunta?" Pagkaharap ko sa kanila ay agad ko ng itinanong ito sa kanila.
"Pupunta na kami" sabi ni Rex at nilagpasan ako. "Kailangan mong sumama."
Agad naman sumunod sa kanya si Jethro na hindi ko man lang narinig na nagsalita. Tila kinakabisa ang buong parte ko. Tila inoobserbahan ako nito. Ang weird nila ngayon. Bakit? Ano ba merun sa akin? Por que kamukha ko si Samantha katulad ko na siya? Grabe sila manghusga. Wala naman akong ginagawang kasalanan.
Papahakbang na sana ako nang marinig ko sa likuran ko si Connie na nagsalita.
"Kela? Wala ka bang napapansin na kakaiba sa boarding house mo?" Nagtaka naman ako sa tanong ni Connie kaya agad akong humarap sa kanya.
Kung kakaiba lang ang pag-uusapan. Ang dami kong napapansin. Marami akong nakikitang kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Sasabihin ko ba sa kanya? Napagdesisyonan kong hindi pa ito ang oras para malaman niya ang mga nakikita ko.
"Hinihintay na nila tayo" yun lang ang sabi ko bago ko siya iniwan.
Naglalakad na ako papunta sa parking area nang makasalubong ko si Mark na tila nagmamadali. Muntikan na nga ako nitong mabangga.
"Sorry. May pupuntahan ka?" Sabi nito at agad naman inayos ang gusot na polo.
"Oo"
"I see. Ingat palagi. Kita tayo mamaya. May importante akong sasabihin saiyo" sabi nito at nagmadaling umalis. Pero nakailang hakbang pa lang ito ng muling huminto at nagsalita ulit. "About Charmaine"
Tulala parin akong nakaupo sa likod ng sasakyan ni Jethro kasama si Connie. Kanina ko pa tinatawagan si Anne pero out of coverage area. Si Van naman ay Defend nila sa title proposal nila. Si Nesami at Aria naman ay nasa OJT na ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako ngayon.
Ang sakit na ng ulo ko. "Okay ka lang?" Agad akong napalingon kay Connie na bumalik na sa maamo nitong mukha.
Tumango lamang ako bilang sagot sa tanong niya at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Maghihikab na sana ako ng maagaw ng atensyon ko ang babaeng nakashort ng pula habang punit ang damit sa tabi ng kalsada. Gulong-gulo ang buhok nito at tila wala pang ligo.
"Sandali!" Sigaw ko na agad naman ikinahinto ni Jethro. Muntikan pang masubsob si Connie sa upuan.
"May problema ba?" Takang tanong nito at tinignan ako sa central mirror ng sasakyan.
"May titignan lang ako sandali" sabi ko at agad na akong lumabas. Patakbo kong pinuntahan ang babae kanina na pakiramdam ko ay si pero hindi ko na ito nakita. Nagpalinga-linga ako pero hindi ko na talaga ito makita. Agad akong lumapit sa lalaki na nakatayo malapit sa poste kung saan ko nakita kanina ang babae.
"Sir. Nasaan na po yung babae dito kanina na naka-short ng pula. At gulong-gulo ang buhok?" Tanong ko dito. Napakunot naman ito ng noo sa tanong ko.
"Babae ba kamo? Nakapula ng short?" Paguulit nito sa sinabi ko. Ang sarap sabihin na hindi. Yellow ang short. Inulit pa sinabi ko e.
"Opo"
"Wala akong nakita diyan kanina Miss. Wala kanina pa ako dito pero walang babe diyan na ganoon sa sinabi mo" sabi nito.
Nagpalinga-linga na lamang ako bago nagpasalamat sa lalaki. Pagkatapos ko magpasalamat ay agad na akong bumalik sa sasakyan.
Baka namAmalik mata lang ako. Bulong ko sa isip ko bago pumasok sa sasakyan.
"Sino ba hinahanap mo, Kela?" Salubong na tanong ni Connie sa akin pagkapasok ko sa sasakyan.
"Wala. May tinanong lang ako" nakita kong parang gusto pa nitong magtanong pero mas pinili na lamang na manahimik.
"Anne... Saan kaba pumunta?" Naibulong ko na lamag bago tinuon ang pansin sa daan.
Nang makarating kami ay tila kinakabahan na naman ako. Ganito rin ang pakiramdam ko nung nasa bahay kami nila Rhian nung namatay siya. Hindi ako mapakali at tila may pumipigil sa akin na pumasok. Tila nasa stage of shock parin ako sa mga narinig ko.
Parang kahapon lang na kasama pa nila ito. Pakiramdam ko parang konektado ako kay Charmaine at Rhian pati sa mga kaibigan nila. Agad akong napatingin kay Connie na abala sa pagt-texting at kay Jethro na mula kanina ay hindi na nagsalita nagsalita pa.
Kaya hindi na lamang ako nagsalita pa. Malapit na sana kami sa bahay nila Charmaine ng biglang naging traffic ang daan. Kaya agad kami napasilip dito. Mula sa di kalayuan ay maraming mga tao ang nagkumpulan tila may tinitignan sila. Mayamaya pa ay napansin kong may lalaki na huminto rin sa tabi ng kotse ni Jethro.
"Ano po nangyari diyan boss?" Tanong nito sa lalaking nakasuot ng pang-traffic enforcer. Teka? Parang kilala ko ang lalaking ito.
Agad akong bumaling dito at nakita kong napatingin din ito sa akin. Kitang-kita ko na nagulat ito pagkakita sa akin. Bahagyang napa-awang ang bibig at nanlaki ang mga mata. Hindi ko man narinig ang sinabi nito pero alam ko kung sino ang pangalan na binanggit niya sa pamamagitan ng pag-open close ng labi niya.
Nagtataka parin ako. Bakit kapag nakikita niya ako ay bigla-bigla itong umaalis na tila umiiwas. Mula nung makita niya kung saan boarding house ako nakatira ay hindi ako nais makausap nito. Mas lalo akong nawewerduhan sa kanya. Tila kay ilap na nito ngayon.
Naalala ko pa minsan ng makasalubong ko siya. Ngumiti ako sa kanya pero deadma lang ako dahil kung anong reaksyon niya kanina nung nakita niya ako. Ganoon din ang reaksyon nito nung nakasalubong ko siya.
"Siya si Kuya Aldrich." Sabi ni Connie na agad naman umagaw sa pagbabalik tanaw ko. Agad akong napatingin sa kanya na may pagtataka. Agad naman nitong nakuha ang punto ko ng ituro niya ang lalaking naka-motor sa tabi ko. "Yang lalaki na kanina mo pa tinitignan ay si Kuya Aldrich."
"Kilala mo ba siya?" Out of nowhere na tanong ko.
"Oo" sabi nito at muling itinuon ang atensyon sa cellphone. "Sino kuya Aldrich ang babae sa buhay ni Samantha dati."
"Magkakilala sila?"
"Oo. Ex siya ni Samantha" tipid na sabi ni Connie na mas lalong nagpadagdag sa kuryosidad ko.
May nais pa sana Kong itanong dito pero hindi ko na ipinagpatuloy pa dahil alam kong masyadong personal na tanong yun. Binaling ko na lamang ang tingin ko sa labas ng bintana at nagkasalubong ang titig namin ni Aldrich. Kita ko ang lungkot, takot at pagsisisi sa mga mata nito. Bakit kinakabahan ako?
Agad kong binawi ang tingin ko nang makita kong kumurba ang ngiti sa labi nito. Parang nakita ko na ang mga ngiting yun. Pero diko maalala. Agad akong napatingin sa pinangyarihan ng aksidenti. Isang motor ang nakasulpokan ng mabilis na takbo ng D4D. Grabe ang tinamo ng driver ng D4D. Putol ang isang kamay nito habang hindi parin maalis ang naipit na paa sa ilalim ng manibela.
Pero ang nakakapanghina ng katawan ay ang lulan ng single na motorsiklo. Basag ang ulo nito, putol ang isang paa at kaliwang kamay. Nadaganan ng gulong ang katawan nito. Pero ang hindi daw mahanap ay ang nakaangkas dito. Tumilapon daw ito sabi ng mga nakakita. Halos masuka ako sa naging hitsura ng driver mung motor. Parang nanghihina ako. Dumanak ang dugo sa kalsada. Dahil sa lalaking naliligo sa sariling dugo. Unti-unti ng dumating ang mga pulis at NBI dito. Naging dahilan ito ng traffic. Paalis na kami pero nanginginig parin ako sa nasaksihan ko. Tila nakita ko na ang lahat ng ito.
Muli akong lumingon sa pinangyarihan ng aksidenti at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Naka-mulat ang mata ng lalaki na nasa ilalim ng gulong ng D4D habang nakatingin sa akin. Nakita ko rin sa tabi nito ang batang nakasuot ng uniform habang hawak ang maliit nitong manika. Nakatingin silang dalawa sa akin.
Charmaine's POV
Mula nang makauwi kami galing sa birthday ni Kela ay hindi na ako matahimik. Tila may bumabagabag sa akin. Sa twing pipikit ako, pakiramdam ko may pares ng dalawang mata ang nakatitig sa akin at hinihintay lang ang pagpikit ko.
Lagi ko rin nakikita ang manika na hawak ni Rhian dati duon sa boarding houae ni Kela. Tinapon ko na ang manika na ito pero pagka-akyat ko sa kwarto ko ay maaabutan ko ito ulit. Hindi ko gusto itong nangyayari. Unti-unti na akong kinakabahan.
Lumipas ang dalawang araw. Tila balisa parin ako. Ganoon parin ang mga nangyayari. Marami akong nakikitang multo na humihingi ng tulong, mga multong puno ng hinagpis at poot. Tila may nais itong balikan.
Twing sasapit ang gabi ay pinipilit kong ipikit ang aking mga mata pero tila hindi ko magawa dahil ramdam na ramdam ko ang presensya ng taong sumusunod sa akin.
Anong nangyayari?
Nung una akala ko guni-guni ko lamang ang lahat. Iniisip ko na isa lang itong panaginip. Panaginip lang ang mga hinagpis, sigaw at tulong na naririnig ko. Pero habang tumatagal. Tila lalo itong lumalalim.
It was monday morning nung hindi pa patay si Rhian. 7:30 am na ito at magkasabay kaming pumasok dahil sa assignment sa English namin. Napapansin ko rin na matamlay ang kasama ko pero tinatanong ko kungay sakit siya. Wala naman daw. Hanggang sa nasa library na kami. Nawerduhan ako sa kinuha niyang book dahil halos lahat nito ay tugkol sa paranormal activity.
"Mahilig ka pala ng horror?" Basag na tanong ko sa kanya. Dahil kahit magkasama kami ay tila wala akong kasama dahil hindi ako pinapansin nito. Ni walang pangungusap itong ibinabato sa akin. Lumipas ang ilang minuto...
Nanlaki ang mga mata ko sa sinulat nito. Na tila takot na takot. Habang nagsusulat ay may ibinubulong ito na nagpatindig ng balahibo ko.
"Andito na siya. Maghihiganti siya. Papatayin niya tayo. Ibalik natin kung anong kinuha natin"
Mga katagang paulit-ulit niyang sinasabi. Nag-isip ako kung ano ang posibleng dahilan nito at kung ano ang kinuha namin na sinasabi niya. Wala naman akong maalala.
Hanggang sa ipakita na nito ang kanina pa niya ginuguhit. Nanlaki ang mga mata ko sa picture dito at kung ano ang nakasulat.
Babaeng nakabitin sa tali habang may malaking hiwa sa sa leeg.
At ang nakasulat.
Ay....
"Oh my ghad!" Agad akong napatakip sa aking bibig dahil dito. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko.