Chapter 16

3536 Words
Chapter 16 - Melancholy   Nakaupo na ngayon si Kela sa sulok ng kanilang classroom habang nagtuturo ang English Professor nila pero tila lumilipad parin ang isip nito. Hindi niya labis maisip kung bakit ganoon ang mga pangyayari.   Ang mga kataga at damdamin na isiniwalat ni Lawrence ay lubos na nakapagtataka sa kanyang isipan. Tila pamilyar sa kanya ang mga pangyayari at lugar kung saan nangyari iyon.   Nasa ganoon sitwasyon si Kela nang biglang maramdaman ang kamay sa kaliwang kamay niya na humawak dito. Agad naman siyang napatingin dito at napakunot ng noo.   "Tinatawag ka ni Sir" sabi ni Anne habang nakatingin sa kanya. Agad naman napabaling ang tingin ni Kela sa Professor nila na nakapoker Face. Pabebe si sir! Sabi ni Kela sa isip nito.   "Are you with us Ms. Sagala?" Sir Said nonchallant. Napangiti ng bahagya si Kela sa sabi ng kanilang Professor.   "Yes, Sir. I am"   Hindi na lamang pinansin ng kanilang English professor ito at nagpatuloy na sa discussion.   Dumating na ang tanghalian subalit tila tuliro parin ito. Hindi parin maalis sa isipan ang mga nangyayari at mga natutuklasan nito. Palagay nito sa sarili ay sobrang hirap ng pinagdaanan ng lalaki kung ganoon ang nangyari.   Bakit kaya hindi niya ito pinaglaban? Tanong ni Kela sa isip at napasinghap ito.   "Lalim ah. Para saan 'yun?" Kela sighed before answering Anne's question.    "Nothing. Im just wandering what had happened between him and her" napakunot noo naman si Anne sa sinabi ng kaibigan habang nakatingin sa mga taong nasa kabilang building.   "What do you mean?" Kunot noong tanong ni Anne dito at kinagat ang burger na kanina pa hawak-hawak.   Hindi sumagot si Kela sa halip tumingin lang ito sa kaibigan at unti-unting sumubo ng pagkain niya. May itatanong pa sana si Anne dito pero ipinagsawalang bahala na lang niya ito nang makita na tila ayaw magkwento ng kasama.   Kakagatin na ulit sana ni Anne ang burger nito ng hindi niya inaasahan ang tanong ni Kela na dahilan para kilabutan siya.   "Anne, magkamukha ba kami ng Samantha na 'yun?" Seryosong tanong ni Kela. Unti-unti naman umangat ng tingin si Anne dito at tila sinusuri ang hitsura ng kaibigan.   Lumipas ang ilang minutong katahimikan bago nagsalita si Anne. "Yap! Kunti lang." Nakangiti ito ng nakakaloko bago nagsalita ulit. "Kasi mas maganda siya kesa sa--- Aray!"   "Oo alam ko na mas maganda siya. Gaga!" Nakapout na sabi ni Kela at hinampas ng mahina ang kasama na abot tenga ang ngiti.   "Pikon kana agad te?" Tuksong sabi ni Anne habang kinikiliti si Kela.   "Isa. Anne, nakikiliti ako ba!" Asar na sabi ni Kela na pinipilit hindi matawa.   "Ehemm!"    Agad napatigil ang dalawa sa kulitan dahil sa nagtikhim sa likod nila at sabay na napatingin dito.   "Pwedi makishare ng table?" Tanong nito sa kanila. Tumango lamang si Kela pero si Anne ay parang may nais pang sabihin.   "AYOKO!" Nabigla ang lalaki pati si Kela sa inasal ni Anne dahil ngayon lang ito ganito. "Ayoko dahil ayoko ng may ka-share. Ayoko ng may kaagaw. Gusto ko ako lang! Ako lang" naniningkit mata ni Anne habang binigyan diin ang salitang "Ako" sa pangungusap niya.   Napakunot noo na lamang si Mark at napatingin sa kay Kela na nakangiti pabalik kay Anne na magkasalubong ang dalawang kilay.   "Aray!" Maktol ni Anne at napatingin kay Kela. "Para saan yun best? Namumuro kana ha!"   "Tumigil ka nga kakabasa ng lovestory sa w*****d. Yan ang resulta saiyo e. Naa-addict ka"    "Tse! At least maganda ako" pagtataray nito.    "Sige Mark. Pwedi ka ng umupo. Diyan ka tumabi kay Kela. Yan namanay gusto ng kahati, Eh" pagtataray nito.   Anong problema ng babaeng 'to? Takang tanong ni Kela sa isip at napailing-iling na lang.   "Ketchup? Gusto mo?" Akmang susubo na ulit si Kela nang magsalita si Mark. Hindi nito natuloy ang ang isusubong fried chicken dahil kay Mark.   Hindi na hinintay ni Mark na magsalita si Kela at agad ng nilagyan ng ketchup ang platito ni Kela.    "Subuan na kita" aya ni Mark dito dahilan para mang-init ang pisngi ni Kela.   "Aray. Nauubos ako ng langgam. Makahanap nga ng sweet and SOUR doon. Baka hindi na ako kagatin ng langgam dito" pagtataray ulit ni Anne at agad na sumubo ng kinakain nitong Ice cream. Ganyang yan. Kahit tanghaling tapat. Sa halip kanin ang kainin, Ice cream ang pinag-iinitan.   Napangiti na lamang si Mark at napailing. Samantalang si Kela ay para ng kamatis ang pisngi nito sa pula.   "Bye, Mark! Wag mo na ihatid ito. Kasama naman niya si Van pauwi ngayon" sabi ni Anne kay Mark bago pinuntahan si Kela na naghihintay sa gate.   Dumating na ang oras ng uwian sa hapon at heto na naman si Kela nabtila balisa parin sa mga nangyayari at nalaman. Ang daming katanungan sa isipan nito. Ang mga katanungan na bukod tanging si Lawrence at Carl lamang ang alam niyang makakasagot nito.   Kukunin na sana ni Kela ang Cellphone nito sa kanyang sling bag na kulay violet nang biglang may magsalita sa likod nito na ikinagulat niya.   "Wanna know everything behind him and Samantha?"   Hindi na nag-abala pang lumingon si Kela at agad ng nagsalita.   "Oo. Pwedi ka bang makausap" sabi ni Kela dito bago humarap. Kitang-kita ang seryosong mukha nito na lalong nagpatindi ng kuryosidad ni Kela. Tila may koneksyon siya sa mga nangyayari.   Agad nang naglakad si Carl sa isang bakanteng upuan sa tabi ng garden na my fountain sa harap ng kanilang admin office. Wala na masyadong katao-tao dito dahil uwian na ng mga studyante. Agaran naman sumunod si Kela dito.   "Lahat dati, hinahangaan si Samantha, iniidolo at sinasamba ng kalalakihan. May taglay itong kagandahan, katalinuhan at kabaitan na siyang nagpasikat at nagpahanga sa karamihan..." Paninimula ni Carl pagkaupo ni Kela sa tabi nito.   "Si Samantha ang tipo ng babaeng hinahangad ng bawat lalaki dito sa mundo na mamahalin. Masipag siya at halos lahat nasa kanya na. Isang anghel na galing sa langit" umihip ng hangin na tila may ibinubulong. Hindi ito ininda ng dalawa at patuloy parin sila sa pag-uusap.   "Hanggang sa dumating sa punto na nagkaroon ng aksidenti. Nagpakamatay daw ito dahil ginagahasa siya ng kanyang stepfather" nanlumo si Kela sa pagkarinig nito at nanlaki ang mga mata dahil sa hindi inaasahan information mula kay Carl.   "At ang nakapagtataka. Lahat ng lalaking malapit sa kanya ay isa-isang namamatay. Lahat ng naging ex niya. Unti-unti nawawalang parang bula." Napahinto muna si Carl sa sinabi at nagpalinga-linga bago lumapit sa tenga ni Kela at bumulong.   "Usap-usapan ng mga studyante. Sumpa raw ito marahil ni Samantha kaya ganoon ang mga nangyayari aa kalalakihan"   "Pero diba dapat... Yung mga manloloko lang ang pinaghihigantian niya. Wag naman halos lahat." Napatingin si Carl kay Kela at kumurba ang kunting ngiti sa labi nito. Napakunot noo naman si Kela sa inasal ng lalaki. Hindi na lamang nagsalita ang lalaki at agad ng tumayo. Agad ibinulsa ni Carl ang dalawang kamay at huminga ng malalim bago nagsalita.   "Kela?" Tawag nito kay Kela na dahilan para maghatid ng kakaibang kaba sa Kanya. "Si Samantha ay may pagkakahawig saiyo" Agad napukol ang tingin ni Kela dito dahilan para magtama ang kanilang mga mata.   "You are the perfect reincarnation of Samantha" malungkot na tinig ni Carl. As Kela met the eyes of Carl. She saw a deep melancholy in his eyes. Tila ang lalim ng pinanghuhugutan nito sa pagbitaw ng kataga habang mataimtim na nakatigin sa kanya.   Nabigla  si Kela sa paghawak ni Carl sa kabilang pisngi nito at bahagyang inayos pa ang buhok nito na napapatakip sa pisngi niya dahil sa ihip ng hangin.   "You are beautiful too like her. That's why. Everytime I see you. I started hating myself. Kasi nakikita ko siya saiyo and thats the damn I dont really want to feel. Dahil lako ko siyang namimiss" matapos magsalita ni Carl ay tila naputulan ng dila si Kela at walang kahit anong kataga ang lumalabas sa bibig niya. Nanatalili lamang siyang nakaupo at nakatingin kay Carl habang pinagsalikop ang dalawang kamay at pinagbabangga niya ang kanyang dalawang hintuturo.   "Stop it!" Bulyaw nito na ikinabigla ni Kela at malakas na hinawakan ni Carl si Kela sa magkabilang balikat na dahilang para unti-unting bumalot ang kaba sa buong katawan nito. Nanlaki ang mga mata ni Kela dahil unti-unti humihigpit ang hawak ni Carl sa balikat ni Kela. Ang sakit na nito dahil nanginginig na si Kela dala ng kaba at gulat.   "Who are you?" Pagkatapos ni Carl sabihin yun ay walang nagsalita. Bumalot ang katahimikan sa kanilang kapaligiran. Walang nais magsalita. Umihip ang hangin na dahilan para lumipad ang buhok ni Kela. Nanlaki ang mga matang nakatitig si Carl dito at agad na tumalikod.   "Umuwi ka na. Pagabi na. Bawal magabihan ang babae sa daan" sabi nito at agad ng iniwan si Kela na tulala at lutang ang isip sa inasal ng lalaki.   Hanggang sa dumating na si Kela sa boarding houae nito ay balisa parin siya sa inasal ni Carl.   "Samantha?" Pagkabigkas ni Kela sa pangalan nito ay Nanlaki ang mga matang napatitig sa photoframe na nasa bedside table niya at agad na hinalungkat ang diary na nakuha niya sa ilalim ng Kama niya kagabi.   Napa-awang ang bibig nito pagkakita sa litrato dito. Ang buhok ng dalawang batang babae na hanggang balikat ang haba. Nasa gita nila ang batang lalaki na nakakunot ang noo habang malapad ang ngiti ng dalawang batang babae.   Mabilis pa siyang naghalungkat doon siya napatakip ng bibig nang kamita ang kwentas nito na may pendant na heart. Unti-unting pumatak ang luhang mula sa kanyang mga mata. Pagkakita nito ay agad ng itinago ito pabalik.   "Hindi pweding mangyaro ito" sabi ni Kela at napabuntong hininga. "Kailanga mahanap muna kit bago mangyaro ito." Bulong ni Kela bago tumungo sa terasa ng kanyang kwarto.   Akmangb bubukasan na niya ito ng biglang nahulog ang maliit na libro sa table na pinapatungan ng maliit ng flower vase malapit sa pintuan patungong terasa.   Agad niyang nilapitan ito at unti-unting inabot ang notebook na nahulog at maliit na libro. Mabilis na nabitawan ni Kela ito at bahagyang napaatras ng makita ang dugo dito na ginamit bilang panulat.   HAPPY BIRTHDAY! MY GIFT!   --RHIAN   Kinabukasan...   Kela's POV   Nasa terasa ako ngayon ng kwarto ko at nagpapahangin. Nababagabag na ako sa mga nangyayari. Ang dami ng katanungan sa isipan ko. Natatakot na ako. Gusto ko ng umalis sa lugar na ito.   Ang sarap ng ihip ng hangin. Nakakarelax ng pakiramdam. Nakakawala ng pagod at sakit sa kasu-kasuan. Ang mga butuin na sumasayaw sa kalangitan. Ang mga talang tila bumubulong at ngumingiti sa akin. Ang liwanag ng buwan sa himapapawid na gumagawa ng saya sa mga tulad kong takot mag-isa. Takot maiwan at takot mahulog sa taong alam natin kailanman hindi magiging atin.   Umiiwas ako. Hanggat kaya ko. Dahil alam kong walang permanente dito sa mundo. Lahat ay temporary lamang. Yun ang ayaw ko. Dahil ayokong mag-isa at maiwan. Pero ngayon... Pinipilit kong mag-isa para labanan ang takot ko pero tila magiging baliw ako sa pangyayaring ito. Lalot may mga bagay na hindi ordinaryo akong nakikita. Mga pangyayaring hindi ko alam kung paano at bakit nangyayari.   Napabuntong-hininga na lamang ako at napapikit ng mga mata. Dinaramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin na nanggagaling sa himapapawid. Tanging huni ng mga kulisap at mga insekto sa paligid ang aking tanging naririnig. Subalit agad akong napamulat ng mga mata nang makarinig ako ng kaluskos mula sa aking bandang kaliwang paanan.   Napatingin ako dito ako dito nang mapagtanto kong hindi ako nag-iisa. Dahil ramdam kong tila may pares ng mga mata ang nakatingin sa akin di kalayuan. Ramdam na ramdam ko ang presensya nito. Hindi ko alam pero unti-unting tumindig ang balahibo ko sa katawan.   Nang mapadpad ang tingin ko sa baba ay laking gulat ko ng may babaeng nakasuot ng uniform namin ang nakatingala sa akin. May bahid ng dugo sa damit nitong puti. May marka ng lubid sa leeg at maitim ang bilog na nakapaligid sa kanyang mga mata.   Unti-unti akong napaatras dahil sa hitsura nito. Bumalot ang sindak sa buong sistema ko. Nang malapit na ako sa pintuan papasok sa kwarto ko. Agad akong napapitlag dahil sa nabangga ko.    "Kela? Are you okay?" Napahawak ako sa aking dibdib ng marinig ko ang boses ni Lawrence. Akala ko makikita ko na naman siya. Akala ko magagalit na naman siya. Akala ko... Hindi ko napigilan ay unti-unti ng nagsi-unahan sa pagpatak ang mga luha sa aking mga mata. Naramdaman ko naman ang dalwang bisig na pumilipit sa akin dahilan para tuluyan na akong mapahagulgol.   "Shhhh! Tahan na. Kung may problema ka. Pwedi lang magkwento. Makikinig ako" bulong ni Lawrence sa akin. Hindi na ako nagsalita dahil ramdam ko na naman ang presensya niya. Ang galit niya. Ang lahat-lahat. Alam kong nasa paligid lang siya at nanunuod. Kung kaya ko lang sana gawin ang sinasabi niya. Kung kaya ko lang sana pero hindi. Dahil kapag ginawa ko yun. Para ko na rin pinatay ang sarili ko.   Hindi siya pweding mamatay.   Nakahiga na ako ngayon sa aking kama at iniisip parin ang sinabi sa akin ni Carl. Balisa parin ako sa mga impormasyon na nalaman ko mula sa kanya.    Tama nga ang hinala ko. May koneksyon si Carl at Lawrence. Bakit kaya pareho sila ng presence? Bakit tila magkapareho sila ng tindig at kulay ng mga mata?   Napabuntong hininga na lamang ako at napatigin sa orasan. Nasa 10:30pm na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nabalingang tingin ko sa Album na parang bago sa paningin ko.    Kulay violet ito na may pink na ribbon na tinernuhan ng violet na ballpen. May feather sa dulo ng ballpen na magsilibinh disenyo nito. Naagaw nito ang atensyon ko at pinukaw ang kuryosidad ko. Agad akong bumangon at nilapitan ito.   Pero tila nagdadalawang isip pa akong hawakan ito ng makita ko ang mukha ko sa cover ng album. Sa ibaba nito sa side ng alb ay nakasulat ang pangalan kasama ang aking pirma. May nakasulat na...    FOR MY YOUNGER SISTER.   Nagtataka akong kinuha ang album. Tila pamilyar sa akin ang mga bagay na ito. Tila nakita ko na ang lahat ng ito sa aking panaginip. Nagtaka ako ng makita kong may nahulog na violet na handkerchief at nakaukit dito ang pangalan ko pati pangalan ni Lawrence. Ang pangalan namin ay nasa ilalim ng dalawang hugis puso na magkadikit.   Hinaplong ko ito at unti-unting napangiti. Hiniling ko na sana magkatotoo ito. Akmang itatago ko na ito ng maramdaman ko na naman ang mga matang nakatitig sa akin. Agad akong napalibot ng tingin sa kabuoan ng aking kwarto dahil ramdam na ramdam ko ang presensya niya.   "Lawrence... Ikaw ba yan?" Tawag ko dito pero wala akong narinig na ni-anumang kataga mula rito.   Dahil sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayan. Nabitawan ko ang album na hawak ko kanina. Nahulog ito at umikot palapit sa ilalim ng kama ko. Dahil sa takot ay agad ko itong kinuha pero diko mahagilap. Yumuko pa ako at tumukod. Ang dilim sa ilalim ng kama ko. Kaya agad kong kinuha ang aking Cellphone at ginawa itong flashlight. Agad ko naman nakita ang album sa ilalim. Kaya agad ko itong inabot pero tila hindi ko ito maabot kaya inipasok ko na ang ulo ko sa ilalim ng kama.   Mahahawakan ko na sana ito nang maagaw ng dalawang pares ng paa sa harapan ko ang atensyon ko. Sa una ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Subalit ng maramdaman ko na tila unti-unting bumibigat at kama ay nagsimula na akong kabahan. Kaya agad ko ng kinuha ang album. Pagkahawak ko nito ay agad na akong tumayo.   Labis ang aking pagsisisi kasi lumabas pa ako sa ilalim ng kama. Sana hindi na lang. Dahil ang batang nakita ko kanina sa baba ng terasa ay nasa harapan ko ngayon. Bumalot ang kaba sa kabuoan ng katawan ko. Nanghihina ako. Gusto kong sumigaw pero tila walang tinig na nais lumabas sa bibig ko. Wala akong makapag tinig mula sa aking lalamunan. Napako ako sa aking kinatatayuan nang unti-unti itong lumalapit sa akin habang gumagapang.   Pahiram ng album. Pahiram ng album.   Bulong nito na ikinalaki ng mga mata. Hawak nito ang manika na alam kong dala-dala ni Charmaine. Ito ang manikang hawak niya noong nandito pa sila sa boarding house ko.   "Lumayo ka sa akin" nanginginig kong tinig. Subalit tila wala itong naririnig. Gusto kong tumakbo palabas pero tila nawalan ng lakas ang aking paa. Para itong nabato sa sala na naapakan ko.   Agad akong napapikit nang makita ko si Lawrence na pumasok. Hindi ko na maramdaman ang presensya niya. Akala ko hindi na ako matatakot. Akala ko panaginip lang ang lahat. Pero totoo. Totoo pala ang lahat ng nakikita ko.   Unti-unti akong napaupo at napatukod. Naglandas na naman ang masaganang tubig sa dalawang mata ko. Naramdaman kong naglakad patungo si Lawrence sa kinauupuan ko.   "You seem restless. Akala ko tulog kana" sabi nito at agad akong hinawakan sa magkabilang balikat. Naramdaman nito na ayaw kong tumayo. Narinig din niya ang paghikbi ko.   "Are you crying again? Pwedi mo naman i-share sa akin ang hinanakit mo Kela. Just trust me once" bulong nito. Hindi ako nagsalita sa halip napayakap ako sa kanya ng sobrang higpit. Hindi kona alintana ang oras. Hindi ko na napansin kung ilang minuto o oras ang lumipas na nakakapit ako sa bisig niya. Natatakot parin ako.   Hanggang sa naramdaman ko na lamang na nakahiga na ako sa malambot ng kunti na kama. Alam kong sa oras na ito ay idinantay na niya ako sa kama ko. Sana dito na lang siya matulog sa tabi ko. Nakapikit na ako ng mga mata. Pero gising parin ang ulirat ko pati ang buong pagkatao ko. Rinig na rinig ko ang bulong nito bago ako hinalikan sa noo. Ang sarap sa pandinig na marinig sa kanya ang katagang ito. Hindi ko inaakala.   "Lagi lang akong nasa tabi mo. Kung kailangan mo ako. Andito lang ako" bulong niya at hinahaplos-haplos ang buhok ko.   "Aalagaan kita katulad ng pag-alaga ko sa kanya dati. Matulog kana." Sabi ni Lawrence bago ko naramdaman ang mainit na bagay sa aking noo. Pero nagtaka ako sa huling sinabi nito.   "Ipinangako ko sa kanya na sa oras na makita kita. Aalagaan kita kahit anong mangyari"   Ang huling kataga na narinig mula sa kanya bago ko narinig ang mga yapak palabas mg kwarto ko. Naiwan akong marami na namang katanungan sa isipan. Sa halip na dinadalaw na ako ng antok, tila napukaw ito sa huling sinabi niya.   Sino ang tinutukoy niya? Bulong ko sa isip ko.   ***   Papasok na sana ako sa banyo dahil ihing-ihi na ako. Pupungas-pungas pa ako dahil tila ayaw ng mata ko na bumukas dahil ang bigat ng talukap ng aking mga mata. Kung hindi lang talaga ang sakit na ng puson ko dahil sa ihi na ito. Tinatatamad talaga ako. Subalit tila nawala ang antok ko ng may mahagilap ang mga mata ko sa likod ko.   Kasaunod nito ay isang nakakAsulasok na amoy. Amoy na tila bumabaliktad ang sikmura ko sa amoy nito. Nanunuod sa ilong at lalamunan ko. Agad akong napalingon at nagpalinga-linga sa kabuoan ng kwarto ko pero wala akong makitang tao...   Napansin kong nakabukas na naman ang album kanina na tinago ko na sa drawer ng study table ko. Hindi ko napansin kanina pero bukas din ang lampshade na nasa ibabaw ng studytable ko rin na nagsisilbing ilaw sa kwarto.    Napapitlag ako ng marinig kong bumukas ang gripo sa loob ng banyo. Napansin ko rin na naka on ang ilaw dito. Unti-unti akong humakbang patungo rito subalit nang malapit na ako ay tila tumahimik ang loob ng banyo. Kumatok ako dito ng tatlong beses bago binuksan ang pintuan pero wala akong nakitang tao.    Nagsisimula na naman akong kilabutan. Napansin kong nasa kalagitnaan pa lamang ng gabi. Nasa 1:30 am na ng madaling araw. Mabilis akong pumasok sa banyo dahil sasabog na ang puson ko. Pagkaupot pagkaupo ko sa bowl ng kubeta ay napapitlag ako ng nagpatay sindi ang ilaw sa loob ng banyo.   Pero mamaya lang ay agad na itong bumalik sa dati. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito. Baka kasi sira lang ang bumbilya ng ilaw dito sa banyo ko. Matapos kong umihi ay mabilis na akong lumabas ng banyo pero tila napako ako s kinatatayuan ko ng makita ko ang taong nasa loob ng kwarto ko.   Habang hawak-hawak ang album na kanina lang ay nasa ibabaw ng study table ko. Nakatayo siya ngayon sa entrada ng kwarto ko papunta sa terasa. Kilalang-kilala ko ang taong ito kahit hindi ko maaninag ang mukha nito. Sa tindig at haba ng buhok nito ay kilala ko siya.   Subalit agad akong napatakbo sa terasa nang makita ko siyang mabilis na tumakbo at tumalon sa terasa.   Mabilis akong tumingin sa ibaba ng terasa para tignan siya pero laking gulat ko ng wala akong makitang tao sa ibaba. Nagpalingalinga pa ako subalit wala talaga akong makita. Nang mapagdesisyonan ko ng pumasok sa kwarto ay naagaw ng isang nakatayo na tao sa gate ang atensyo ko.   Nakatingin ito sa akin habang hawak ang album na kanina ay nasa kwarto ko lang. Tatawagin ko na sana ito pero agad itong tumalikod at naglakad na papuntang kalsada. Bago ito tuluyan umalis ay tumingin pa sa akin at ngumiti na naghatid sa akin ng nginig sa buong katawan ko.   "Charmaine"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD