Chapter 15 - Unexpected visitor
Naglalakad na palabas si Lawrence mula sa boarding house ni Kela nang malaman kay Lola Isang na hindi pa ito umuuwi. Nakagawian na niya ang gabi-gabing pagche-check sa dalaga kung okay lang ba ito o nasa bahay na. Kung wala bang nangyari sa kanya.
Labis kasi ang pag-aalala ni Lawrence sa dalagita sa twing nakikita niya itong natatakot. Kung kaya lang niyang akuin Ng takot sa babae ay ginawa na niya. Hindi maintindihan ni Lawrence ang sarili mula nang makita niya si Kela. Tila nababagabag siya dahil may naalala siya sa mukha nang babae. Tila nais niya itong bantayan, alagaan at iparamdam na hindi nag-iisa.
Kaya lagi siya ang nakakakita at nakakatulong kay Kela sa twing may nangyayaring masama dito dahil lagi niya itong binabantayan nang palihim. Minsan hindi napapansin ni Kela na may tao sa kabilang kwarto. Kadalasan kasi dun natutulog si Lawrence para mabantayan siya lalo't alam niya na may kakaiba sa babaeng ito.
Napabuntong-hininga si Lawrence habang naglalakad at napapikit. Dinaramdam ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat niya. Ang lamig ng ihip ng hangin sa bakuran ng boarding house ni Kela. Akmang sisipain na ni Lawrence ang batong nasa kaliwang paa niya nang mapapitlag siya dahil sa sigaw na narinig.
Nanlaki ang mga nitong napatingin sa daan nang mapagtanto kung kaninong boses ito.
"Kela?" Kinakabahang bulong niya nang makita ang babaeng kanina pa niya hinihintay na tumatakbo habang sumisigaw. Tila takot na takot ito. Kahit kunti lang ang liwanag ay kitang-kita ang takot at luha sa mga mata nito.
Takot na takot. At parang hinahabol siya nang isang masamang o tigre sa takot na nakarehistro sa mukhaniya. Agad naantala si Lawrencen nang ilang dangkal na lang ay mababangga na siya ng babae. Hindi siya napapansin ng babae dahil nakatingin ang ulo nito sa likuran niya habang tumatakbo. Huli na ang lahat bago makailag si Lawrence at naramdaman na lamang katawan na nakahiga sa lupa habang nasa ibabaw niya ang babaeng takot na takot habang hinahampas siya.
"Bitawan mo ako! Lumayo ka sa akin! Tama na!" Pasigaw nitong sabi habang umiiyak.
Agad tumayo si Kela at tumakbong muli. Pero bago pa ito makalayo ay mabilis din tumayo si Lawrence at hinablot at kamay nito. Mabilisan din niyang kinulong ang babae sa kanyang bisig.
"Tama na, please! Natatakot na talaga ako" nanginginig na sabi ni Kela at pinipilit na kumawala sa bisig nang lalaki subalit mas lalong hinihigpitan ni Lawrence ang yakap dito.
"Ano bang kasalanan ko? Bakit niyo ba ako minumulto?" Umiiyak nitong sabi.
Kaya lalong kinabahan si Lawrence sa narinig na sinabi ng babae. Ipinaramdam niya sa babae na andito na siya na pwedi niyang makasama at walang pweding manakit sa kanya.
"Ssshhh! Tahan na. Wag kana matakot. Andito na ako" bulong ni Lawrence sa kanya. Lumuwag ang yakap ni Lawrence nang maramdaman na unti-unting humuhupa ang nginig sa katawan ng babaeng nakakulong sa bisig niya at unti-unting iniangat ang maamo nitong mukha na puno ng takot at balisa.
Parang tinurukan ng limang libong kutsilyo ang puso ni Lawrencen nang makita ang kaawa-awang hitsura nang dalaga at agad na pinunasan ang luha nito gamit ang dalawang hintuturo. Niyakap ulit ni Kela ang lalaki kaya agad naman itong sinuklian ni Lawrence.
Hinayaan na lamang ni Lawrence na makulong ang babae sa bisig niya hanggang sa umabot ito ng ilang minuto na magkayakapan lang sila.
Hanggang sa unti-unti ng kumalas si Kela sa yakap at lumayo ng kunti.
"Salamat" tipid nitong sabi at ngumiti. Agad naman din ngumiti nang pilit si Lawrence at niyayang samahan ang dalaga sa loob.
Samantala, habang nagyayakapan si Kela at Lawrence ay may nakAtingin sa hindi malayong bahay sa kanila na puno ng poot at tumatagos ang luha nito dulot ng sakit na nararamdaman.
"Isinusumpa kong babawiin ko kung anong akin. Gagamitin kita para makuha ko ang bagay na dapat ay akin. And you are the perfect person for me to get everything I wish every now and then, Kela Sagala"
***
"Uminom ka muna" abot ni Lawrence ng isang baso ng tubig matapos isampa sa kama si Kela. Nawalan kasi itong ng balanse kanina habang papasok sila ng boarding house buhat siguro sa takot at kaba na naramdaman niya kaya tila nanghina ang katawan nito.
"Salamat" nakangiting inabot ni Kela ang baso at ininum ito agad. Nakatingin lamang si Lawrence sa kanya ng puno ng pag-aalala. Namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan nila at tila walang nais magsalita. Subalit mayamaya lang ay agad nang binasag ni Lawrence ang nakakabinging katahimikan.
"Anong nangyari? Bakit ganoon na lamang ang takot mo kanina?" Seryoso niyang tanong na agad nagpatingin kay Kela sa kanya. BAgo ito nagsalita ay kinuha muna nito ang yellow smiley na unan niya at niyakap.
"Hindi ko alam. Pero nitong mga nakaraang linggo, lagi na lamang akong nakakakita ng multo"
"Multo?" Takang tanong ni Lawrence dito at tumango naman agad si Kela.
"Kanina. Nakita ko ang mukha ni Rhian na humihingi ng tulong sa akin. Nalaman ko ito dahil sa bawat bukas ng bibig niya. Bago ako umalis sa bahay nila. Nakita ko pa siyang nakatingin sa akin na may galit sa mukha" nanlaki ang mga mata ni Lawrence pero hindi niya ito pinahalata sa kanya.
"Yung babaeng may hawak ng cursed doll?"
"Anong crused doll?" Takang tanong ni KELa dito.
"Yung maliit na manika" pagkasabi ni Lawrence dito ay biglang pumasok ang malakas na hangin sa binatana ni Kela dahilan para bumukas ito at malakas din nagsara kaya nagkaroon nang malakas na ingay ito.
Napatalon si Kela at napakapit nang mahigpit kay Lawrence. Kahit si Lawrence ay agad na napatayo at rumihistro ang takot at kaba sa mukha nila.
Lumipas ang ilang minuto na ganoon lamang ang position nila ni KELA. Nakahawak ang babae sa braso niya habang nanginginig. Naghihintay sila sa sumunod na mangyayari pero wala na silang nakita o narinig man lang.
Hanggang sa bumalik na si Kela sa kanyang kama at marahang nagtalukbong ng kumot. Akmang tatatayo na si Lawrence dahil mukhang pagod na si Kela. At aalis na dahil pagkakita sa orasan ay mag aalas-dies na nang gabi. Agad siyang napahinto nang hawakan ni Kela ang kamay nito.
"Pwedi dito kana matulog sa tabi ko, please." Nanginginig na sabi ni Kela. Hindi nagsalita si Lawrence sa sinabi ni Kela. Nakatingin lamang ang lalaki sa kanya. "Natatakot ako"
Pagkasabi ni Kela sa bagay na iyon ay agad na natumba ang photo frame nito sa kanyang study table. Agad na napatayo si KELa at napapitlag subalit si Lawrence ay tila hindi ito nagpakita ng takot kahit gusto na niyang tumakbo. Ayaw niyang ipakita kay KELa na natatakot siya dahil baka mas matakot ang babae kapag nagpakahina siya at magpatalo sa takot. Tinitiis niya ang takot para sa babaeng unti-unti ng bumibihag sa matagal niyang natutulog na diwa.
Agad siyang napatitig sa maamong mukha ng babae bagi tinignan ang maliit na box sa study table ni Kela sa tabi ng phot frame.
Agad napalapit si Lawrence dito at tinignan ang maliit na box na kulay pula. Hindi maipinta ang gulat at takot na rumihistro sa mukha ni LAwrence nang makita ang mukha nang babae sa Photo frame na may mala-demonyong ngiti. May dugo pasa bandang noo nito.
Pagka atras ni LAwrence ay doon na bumalot ng kab sa buong sistema niya dahil napagtanto kung sino ang kasama nila sa loob ng kwarto. Nagpatay-sindi ang ilaw sa kwarto dahilan para mapasigaw si KEla.
"AAAAAHHHHH!"
Kasunod ng malakas na sigaw ni KELa ay nagsiliparan ang kurtina ng kwarto nito dahil sa malakas na hangin na nagmumula sa nagbubukas na bintana ng kwarto na kanina ay nakasara.
Binalot nang kaba si LAwrence nang makita si KELA di kalayuan na nakataas ang paa habang ang ulo ay nasa sahig. Nakatakip ang buhok nito sa kanyang mukha at nakangiting tumingin kay LAwrence.
NAnlaki ang mga mata ni Lawrence nang makilala ang babaeng unti-unting lumalapit sa kanya habang nakabending. Maiitim ang mga kuko. May dugo sa noo nito.
"Samantha" ang huling kataga na nabanggit ni LAWrence bago dumilim ang paningin nito.
"Don't leave me, Lawrence