Chapter 14 - Birthday Gift
"Kela? Kela!" Nagising agad si Kela sa yugyog ni Aria sa kanya. Agad siyang napaupo ng diretso at nanlaki ang mga matang napalibot ang tingin sa kabuoan ng kotse.
Puno ng pawis ang suot na uniform at tila nanginginig parin ito. Alalang napatingin naman sa kanya si Rex, Nesami at Aria.
"Are you okay? Binabangungot ka ata?" Nag-aalalang sabi ni Aria.
"Nandito na tayo sa University" agad na sabi ni Rex bago binuksan ang pintuan ng kotse at lumabas. Kasunod naman din lumabas si Nesami dito.
Hindi agad lumabas si Aria dahil kita parin ang pag-aalala sa kaibigan.
"Sigurado ka bang okay ka lang, Kela?"
Pangalawang tanong ni Aria dito na ramdam na ramdam ang sensiridad sa bawat katagang binibitawan. Napatingin naman dito si Kela at ngumiti ng pilit bago nagsalita.
"Oo. Im fine. Baba na tayo"
Tango lamang ang sinagot ni Aria at agad narin lumabas ng kotse. Naglakad na sila pabalik ng school dahil nasa 4:30 pm na at may P.E class pa silang lahat.
Agad naman humiwalay sa kanila si Kela papuntang gymnasium dahil dito ang lugar na ini-text ni Van na meeting place nila kanina para magpraktis ng sayaw na Zumba.
Ilang minuto lang ang nilakad ni Kela ay agad na itong nakarating sa gymnasium at pumunta locker niya para magpalit ng P.E uniform. Matapos itong magpalit ay agad ng lumabas at pumunta na ng stage para hanapin ang kaibigan.
Hindi naman ito nahirapan na hanapin si Van dahil nakupo ito sa bleacher malapit lang sa gate ng gym. Nang makita nito si Kela ay agad na kumaway sa kanya bago lumagok ng tubig sa hawak nitong mineral Water.
"Senxa na besh. Kailangan natin magpraktis ng Zumba ngayon dahil bukas na ang final natin kay Ma'am Ochea!" Sabi ni Van sa kaibigan pagkalapit nito sa kanya.
"Okay lang 'yun. Alam mo naman na kuripot 'yun magbigay ng grade. Tsaka, ayoko ma-INC 'no" mataray na sabi ni Kela na ikinangiti ng kaibigan.
Matapos ang ilang minuto nilang kwentuhan ay nakita na nila ang kanilang mga ka-grupo na pumasok sa gymnasium at mukhang handa na silang lahat. Agad naman silang tumayo at lumapit sa stage para agad nilang masimulan ang ensayo.
***
"Besh, una na ako ha! Kumakagat na ang dilim e. Alam mo naman madilim sa kanto papasok sa b-house ko" sigaw ni Kela kay Van habang nasa stage pa ito. Agad naman napalingo si Van sa Kaibigan na nagliligpit ng gamit sa kanyang backpack.
"Sandali lang besh. Hintayin mo na lang ako." Reply ni Van at agad naman bumaba matapos i-goodluck at bigyan ng motivation ang kagrupo para sa presention nila ng sayaw bukas.
Agad na silang lumabas ng gym matapos nilang mag-impake.
Nasa daan na sila ng biglang magsalita si Van.
"Besh... Since 6:20 pm pa lang. Saglit muna tayo sa Drive Thru. Gusto ko bumili ng Fries and sundae choco e" sabi ni Van habang nakatingin sa Cellphone nito.
"Sige" tipid na sabi ni Kela sa sarili dahil namimiss narin nito na kumain ng fries and sundae choco.
Pagkarating nila ng Drive Thru ay agad na silang bumaba at umorder. Nakapagtataka na wala masyadong tao ngayon sa Jollibee kahit nasa Tuesday pa lang.
Habang kumakain ang magkaibigan ay hindi nila namalayan ang oras sa sarap ng kwentuhan, at asaran na tila pagmamay-ari nila ang Jollibee kung makatawa.
"Hala. Malapit na pala mag-8 besh!" Bulalas ni Van dito. Agad naman napatingin si Kela sa kanyang wristwatch at nakitang 20 minutes na lang magaalas-otso na ng gabi.
Agad naman na nag-ayos ng sarili ang dalawa at lumabas ng Jollibee. Pagkalabas nila ay humiwalay na si Van dahil sa West road siya papunta habang ang kay Kela ay sa Village pa sa block 5. May sakayan pa sa kanya samantalang kay Van naman ay walking distance lang. Matapos magpaalam ng dalawa sa isat isa ay agad ng pumara ng Multi-cab si Kela at mabilis ng sumakay.
Ilang minuto lamang ang isinakay niya ay bumaba na siya sa kanto ng boarding house niya. Kinakabahan na naman siya dahil wala ng tao sa labas. Medyo dim na ang kanto na tangin dalwang lamp post lamang ang nagsisilbing liwanag sa daan.
Muntikan ng mapatalon si Kela ng biglang may pusang dumikit sa paa niya na tila napakaamo nito. Bigla rin itong nag-miyaw dahilan para kilabutan si Kela. Mas lalo siyang kinabahan nang makita ang kulay nitong itim. Agad naman tumakbo ang pusa sa unahan ni Kela hanggang sa nasa ilalim na ito ng lamp post.
Nang hindi agad kumilos si Kela ay humarap ang pusa sa kanya at umopo habang nakatingin kay Kela. Nag-miyaw ulit ito na ikinalaki ng mga mata ni Kela. Kahit nanginginig siya ay mabilis na humakbang habang sinusundan ang pusa. Palingon-lingon ito sa kanya habang patuloy na naglalakad.
Kapag nakikitang humihinto si Kela ay humihinto rin ito at tinigtignan siya. Bumalot na ang kaba sa pagkatao ni Kela sa misteryong ginagawa ng pusa.
Tila may nais itong iparating sa kanya.
Naging mabilis ang habang ni Kela nang maramdaman ang presensya sa likuran niya na tla sumusunod sa kanya.
Nasa ikalawang poste na siya at ilang hakbang na lang ay makakapasok na siya sa gate ng boarding house niya nang muntikan na siyang mapatalon dahil sa ingay ng natumbang basurahan sa likuran niya banda. Kasunod nito ang pagkaramdam niya ng presensya ng tao sa likod niya.
Agad siyang lumingon at nagpalinga-linga subalit isang malamig na hangin at madilim na kalsada ang sumAlubong sa kanya at nakita niya ang natumbang basurahan. May pusang itim dito na nakaupo habang nakatitig sa kanya.
Nang makita ni Kela na biglang umilaw ang mata ng pusa ay napatalon ito at napaatras. Unti-unti naman lumalapit ang pusang itim sa kanya at paatras naman siya nang paatras. Lalong humigpit ang kapit ni Kela sa strap ng shoulder bag niya.
Tanging malaks na pintig ng puso lamang niya Ng kanyang naririnig. Ang kabang bumabalot sa kanya kanina ay mas dumoble pa ngayon dahil tila nanginginig na siya at nanghihina.
Mas lalo siyang napapitlag nang malakas ng nag-miyaw ang pusa sa likuran niya na tila nakakita ng taon. Parang gustong maihi ni Kela takot dahil sa naririnig. Unti-unti niyang pinihit ang ulo niya sa kanyang likuran at hinayaan na ang pusang itim na lumalapit sa kanya.
Labis ang pagsisisi sa mukha ni Kela dahil tinignan pa niya ang presensya sa likod niya.
Hindi pansin ni Kela na nabasa na ang suot nitong uniform sa sobrang takot. Nanginginig na siya at nalalaki ang mga mata. Takot at kaba ang bumalot sa buong pagkatao niya.
Gusto niyang sumigaw pero walang tinig na lumalabas sa bibig niya. Gusto niyang tumakbo pero tila napako siya sa kinatatayuan niya. Hanggang sa nakalapit na ang babaeng walang ulo. Sumisirit ang dugo sa putol nitong leeg. Mas lalong kagimbal-gimbal ang nakita ni Kela nang magsalita ito pero nasa baba.
Ang ulo na nagsasalita ay nasa pagitan ng paa niya kasama ang pusa na nakatingala sa kanya. Nasa tabi nito ang maliit na box na may dugong nakasulat sa isang notebook.
"BELATED HAPY BIRTHDAY. MY GIFT!"
"AAAAAAHHHHHH!!"