Chapter 13

1845 Words
Chapter 13 - Rhian's DEATH   Natapos ang class session ng tila nababagabag parin ang bawat studyante sa kinahantungan ng topic kanina. Halata pa kasi sa mukha ng mga studyante na tila hindi parin maka-get over at may halong kaba sa kanilang mukha.   Nasa hallway na ngayon si Kela habang papunta ng Canteen kasama si Aria na tila natahimik bigla na dati ay madaldal. Parang isang malaking banta ang topic kanina na ikinatahimik ng lahat. Hindi rin nila maalis sa isip ang mga possible na manyari kahit anong waksi nila dito sa kanilang isipan.   Habang nasa daan sila Kela at Aria ay tila kinabahan sila sa narinig na pinag-uusapan ng mga studyante.   "Nakita na naman ang manika ni Samantha kanina isa sa mga studyante dito"   "Kanino nakita?"   "Hawak ito ni Rhian at Connie"   "What?!" Sabay sabi ng dalawang kasama ng babaeng mataba na nakasuot ng malaking salamin. Lima silang nag-uusap sa upuan na nasa hallway.   "So? Possible na sila ang mamamatay?"   Hindi na narinig nila Kela ang sunod na usapan ng mga studyante sa hallway dahil nilampasan na nila ito. Bago pa man makarating si Kela at Aria sa UC ay nakita nila si Nesami at Rex na tumatakbo papunta sa kanila.   "Kela!" Sigaw nito nang makalapit na sila na agad nagpalingon kay Aria at Kela.   "May problema ba?" Takang tanong ni Kela kay Nesami nang makalapit na sila dito.   "Patay na si Rhian"   Nanlaki ang mga mata ni Kela sa narinig at napatakip ng bibig si Aria. Nagkatinginan ang dalawa dahil bago pa lang nila narinig na pinag-uusapan ng mga studyante sa hallway si Rhian at Connie.   Agad naman napalingon si Kela, Aria, Nesami at Rex sa babaeng dumating habang habol-habol ang hininga.   "Sasama ba kayo? Pupunta kami sa bahay nila Rhian dahil tumawag si Tita" hingal na sabi ni Jethro at Connie kasunod ay unti-unting napabaling ang tingin nila kay Kela.   "Kailangan mong sumama Kela dahil may mahalaga raw ibibigay saiyo si Tita Rosita" Hindi na umimik pa si Kela at tanging pagtango lamang ang nagawa nito. Kahit kinakabahan sa hindi malamang dahilan ay pinilit niya paring maging kalmado.   Habang nasa daan sila Kela at mga kasamahan nito ay hindi niya mapigilan hindi kabahan sa narinig. Tila hindi siya mapakali at hindi alam kung bakit. Pero parang may sinasabi ang utak niya na wag siyang pumunta pero sabi naman ng kabila niyang isip ay puntahan niya ito para makita kung ano ang regalo.   Nang sumagi sa isip ni Kela si Van ay agad niyang hinanap ang number ni Van dito at agad na ini-dial. Ilang segundo lamang ang lumipas ay agad na itong sinagot ni Van.   "Kela? Napatawag ka?" bungad ni Van sa kabilang linya.   "Papunta kami ngayon kila Rhian" pigil na pigil na sabi ni Kela. Hindi man pansin ni Kela pero napapatingin din minsan sa gawi niya ang mga kasamahan niya. Kahit kasi hindi sabihin ni Kela ay ramdam nila ang kabang bumabalot sa kanya. Nagtataka man sila pero mas pinili na lamang nilang hindi ito isatinig.   "May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Van sa kaibigan.   Napabuntong hininga na lamang si Kela bago sinabi ang nangyari. Nang matapos silang mag-usap ni Van ay agad na niyang tinago sa pink niyang shoulder bag ang cellphone niya dahil dumating na sila. Marami ang tao sa bahay nila Rhian dahil maraming kapitbahay nito ang nakiusyoso sa kanila.   Agad naman bumaba si Nesami na nasa unahana kasama si Rex na nagmaneho ng kanyang kotse. Nag-alinlangan pang bumaba si Kela dahil tila mas lalong domuble ang kabang nararamdaman nito. Agad siyang napalingon kay Aria nang tawagin siya nito.   "Kela? Hindi kapa bababa?" Nag-aalalang tanong nito.   "Sige, una na kayo. Mag-aayos muna ako" makling sabi ni Kela. Ang idinahilan lang  niya para makapag-relax muna dahil hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan. Lalot nang mapatingin siya sa mga tao. Lalong lumakas ang kaba niya dahil sa kakaibang mga titig nito sa mga kasama niya.   Dahan-dahan naman lumabas ito ng kotse habang mahigpit na napahawak sa strap ng kanyang shoulder bag. Napakagat pa siya ng bahagya sa kanyang labi sa sobrang tense na nararamdaman. Muntik na siyang umurong at pumasok pabalik ng kotse ng makita ang mga mapanuring titig ng mga tao sa kanya. Tinitigan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa na dahilan para hindi siya makahakbang ng kahit isa. Mas lalong dumami ang taong nakatingin sa kanya ng makita nitong nagbulong-bulungan ang mga ito.   Agad naman lumapit sa kanya si Aria na may halong pag-aalala sa mukha ng makita ang kaba sa kaibigan.   "Are you okay?" Sabi nito pagkalapit kay Kela at hinawakan sa kamay. "Parang namumutla ka. May sakit kaba?"   Agad naman hinawakan ni Aria ang noo ni Kela pero ngumiti lamang siya dito ng pilit.   "Ok lang ako. Tayo na. Pasok na tayo" aya sa kanya ni Kela at nagsimula ng humakbang.    Nang malapit na makapasok si Kela sa pintuan ng bahay ay tila napako siya sa kinatatayuan ng marinig ang usapan ng mga tao sa tabi niya.   "Diba, matagal ng patay si Samantha? Bakit nandito siya?"   "Oo nga. Bakit nandito ang babaeng 'yan?"   "Alam ba ito ni Rosita na nandito ang malanding babae na 'yan?"   Hindi agad nakagalaw si Kela sa narinig at napalingon ng may pagtataka sa mukha sa mga taong nag-uusap sa kanya. Agad naman nagsipag-iwas ng tingin ang mga babaeng nag-uusap sa kanya ng mapadako ang tingin niya dito.   Nang hindi agad umalis si Kela sa kinatatayuan nito ay agad na hinawakan ni Aria ang kamay nito at pinisil ng bahagya.   "Tuloy na tayo? Kanina pa naghihintay si Tita Rosita" nakangiting sabi ni Aria.    Tango lamang ang isinagot ni Kela dito at agad naman sumunod kay Aria papasok ng bahay.   Tila isang artista si Kela pagpasok sa bahay dahil halos lahat ng mga mata ay nakatitig sa kanya. Ang kabang nararamdaman niya kanina ay mas lalong dumoble na tila lalabas na ang puso niya sa kanyang dibdib sa lakas nito.   Hindi na lamang niya ito pinansin at nagpatuloy na lamang mga kaibigan na malapit sa kabaong ni Rhian. May picture frame ito sa ibabaw ng kabaong at nakangiti dito si Rhian na tila buhay na buhay pa.   Agad naman napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya ng malapit na siya dito.   Rumihistro rin ang gulat sa mukha ni Rosita ng makita si Kela na tila nakakita ito ng multo.   Agad naman lumapit si Kela sa kanila nagsabi ng "nakikiramay ako" sa nanay ni Rhian.   Mayamaya pa ay napalingon silang lahat sa lalaking nakasuot ng itim na damit na hapit na hapit sa kanyang maskuladong katawan na may hawak na maliit na box na parang lalagyan ng jewelries. Agad naman itong lumapit sa kanila at napatingin din nang bahagya kay Kela na tila nagtataka.   "You must be Kela Sagala?" Napapaos na tanong ni Aling Rosita kay Kela na ikilaki ng mga mata nito peri hindi na lamang niya ito agad na pinahalata.   "Opo"   "May pinabibigay ang anak ko saiyo bago siya namatay" sabi nito at agad na iniabot ang maliit na box na kulay itim na may ribbon sa gilid nito na gawa sa garland.   Nagtataka man si Kela ay kinuha na lamang ito. Agad naman niyaya ni Rosita si Kela sa kabaong ni Rhian at bahagyang tumulo ang luha nito nang makita ang mapayapang mukha ng anak.   "Alam mo bang bago siya namatay" hindi ito nagpatuloy sa pagsasalita at nagpunas muna ng luha. "...binabanggit niya ang pangalan mo."   Nabigla silang lahat at nanlaki ang mga mata. Pero mas nabigla si Kela sa hindi inaasahan na sinabi ni Aling Rosita.   "Kung hindi ako nagkakamali sa pandinig ko. Ikaw ang sinasabi niyang dahilan kung bakit namatay siya" bulong nito na tanging si Kela lamang ang nakarinig kaya bahagya siyang napa-atras ng makita ang poot at galit na rumihistro sa mukha ni Aling Rosita.   "Hindi ko po alam ang sinasabi niyo Tita Rosita" kinakabahang sabi ni Kela at unti-unti napapa atras.   "Mamamatay tao ka! Hayop ka!" Sigaw ni Rosita bigla dahilan para lahat ng tao ay mapatayo at biglang napalapit sa kanila.   Bumalot ang kaba, takot sa mukha ni Kela at agad naman siyang nilapitan ng mga kaibigan.   "Tita? Anong ibig niyong sabihin?" Takang tanong ni Rex dito.   "Hindi ko alam Rex. Hindi ko alam" hagulgol nito habang umiiyak. Napayakap na lang si Tex dito at sinyenyasan ang mga kasama na umalis na lang.   Agad naman lumabas sila Kela kasama si Aria. Subalit bago pa makaalis sila ay bumalot ulit ang matinding kaba sa mukha ni Kela at napahinto nang makita ang babaeng nakatayo mula sa may sulok ng pintuan at may galit, poot at muhi ang mga tingin kay Kela.   Napa-nganga ng bahagya si Kela sa nakita at hindi makapaniwala. Napabalik lang ito sa ulirat ng bahagya siyang tinapik ni Aria.   "Kela?"   "Sorry" sabi lang nito at agad nang naglakad palabas. Nagkatinginan si Aria at Nesami bago sinundan ang kasama nila.   Pagkarating niya sa kotse ay agad ng pumasok ito. Subalit biglang napatalon at napaatras ng makita sa loob ng kotse ang babaeng nakita niya kanina sa loob na may masamang tingin sa kanya.   "Kela. May sakit kaba? Kanina pa kita napapansin na hindi mapakali na tila may dinaramdam?" Pag-aalalang tono ni Aria. Subalit umiling lamang si Kela at binaling ang tingin sa loob ng kotse pero wala ng postura ng babae dito.   Napahawak na lamang si Kela sa kanyang noo na tila pagod na pagod dahil sa nangyayari.   Lumipas ang ilang minuto ay napag-isipan na nilang lisanin ang lugar dahil tumawag si Van kay Kela na may practice pa raw sila sa P.E nila bukas kaya may posibleng gabihin na naman ito ng uwi.   Habang binabaybay nila ang daan pauwi ay hindi mapigilan ni Kela na hindi mapatanong sa sarili kung bakit ganoon ang iniisip ni Aling Rosita sa kanya.   Nasa kalagitnaan ng pag-iisip si Kela nang mapabaling ang tingin sa Aleng naglalakad sa kalye na habang nakatingin sa kotse nila. Hindi alam ni Kela subalit kinakabahan siya habang napapatitig sa Ale na may dalang manika. May hawak din itong maliit na kutsilyo na may kalawang na. Nang mapatingin ito sa direksyon nila ay ngumiti ito ng bahagya.   Kahit medyo malayo na sila dito ay nakikita parin ni Kela ang nakakatakot nitong ngiti na tila may nais sabihin at tila nakita na niya ang ale na ito dati. I mean ang matanda na ito.   Nasa malalim na pag-iisip si Kela nang biglang mapabaling ulit Ng tingin niya sa bintana ng kotse. Nanlaki ang mga mata nito pagkakita sa Matandang may hawak na manika na masamang nakatingin sa kanya.   Mayamaya pa ay may kotseng dumaan at nilagpasan sila at hindi na niya nakita ang matanda. Itutuon na sana niya ang tingin sa unahan nang maagaw ng pansin niya ang puting damit na mabagal na umuusad na tila nakasabit sa kotse.   Sisilip na sana siya dito upang tignan ito. Kahit kinakabahan ay pinilit parin niyang silipin pero nagsisisi siya nang ilapit niya ang mukha niya sa pintuan ng kotse dahil may biglang lumabas ang mukha ng matanda dito na basag ang kabilang pisngi. Nakalabas ang kaliwang mata at preskong tumutulo ang dugo.   "AAAAHHHH!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD