"Sabi ko mahal din kita Mr. Hubert Silva," nakangiti niyang saad dito. Nang marinig iyon ay hinawakan ni Hubert ang kaniyang mukha at hinalikan siya nito sa labi. Iyon na ata ang pinakamatamis na halik na natikman ni Cassandra sa tangang buhay niya. Iniyakap niya ang kaniyang mga braso sa batok nito at ibinigay ang lahat ng kaniyang alam sa pakikipaghalikan. Halos mapugto ang kanilang hininga nang maghiwalay ang kanilang mga labi. "I love you, Cass," pabulong na sabi sa kaniya ni Hubert saka muli siya nitong niyakap. Halos ayaw na siyang bitawan ni Hubert. Pakiramdam niya ay sumasayaw sila sa tugtog ng mga alon sa dalampasigan. Dagdagan pa ng ganda ng paligid dahil sa papalubog na araw. "Gusto mo bang maligo sa dagat, mahal ko?" tanong nito sa kaniya nang bitawan na siya nito. "G

