Chapter 29

1555 Words

"Are you feeling better? O baka may iba ka pang nararamdaman?" tanong ni Hubert sa kaniya nang magising siya. "Okay na ang pakiramdam ko. Salamat," wika niya. Kahit papaano ay nakakaramdam pa rin siya ng kaunti ng pagkailang sa binata. Halos hindi na kasi ito umalis sa kaniyang tabi. Mababaw lang naman ang kaniyang pagtulog kaya nararamdaman niya kapag pinupunasan nito ang kaniyang pawis. "You're welcome, my love," nakangiting tugon nito sabay halik sa kaniyang labi. "Huwag mo muna akong halikan. Hindi pa ako nakapag-toothbrush," sabi niya rito ngunit tumawa lang ito ng malakas. "I don't care, Cass. Basta, gusto ko lahat ang amoy mo kahit hindi ka pa maligo," natatawang sabi nito sa kaniya. "Maniwala ako sa'yo. Sinong tao ang gusto ng mabaho, ha?" pamimilosopo niyang tanong dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD