"Maligo ka na, mahal ko, at magpalit ka na rin ng damit. Simula ngayon ay hindi mo na isusuot itong uniporme. Ako na ang bahalang magpapaliwanag kay Tito Manuel para hindi na siya magtaka," wika ni Hubert sa kaniya. "Hindi puwede, mahal ko. Walang magtatrabaho rito sa mansiyon lalo at wala pa si Manang Meding," kaagad niyang sabi rito. "Puwede ka pa rin namang tumulong ka sa mga gawaing bahay pero hindi ka na nila maaaring alilain tulad ng dati. Girlfriend na kita ngayon at ayaw ko na nakikita kang nahihirapan. Kung gusto mo eh, ikukuha ko kayo ng villa ng mga kapatid mo para magiging komportable na kayo," nakangiting sabi sa kaniya ni Hubert. "Mahal ko, alam ko ang gusto mo pero sana hayaan mo pa rin akong mamuhay kung ano ang nakasanayan ko. Okay na kami sa ngayon ng mga kapatid ko

