"So, anong plano niyong dalawa?" tanong sa kanila ni Don Manuel pagkatapos nilang kumain ng hapunan. "I told Cass na hindi po ako komportable na nakikita siyang nagtatrabaho pa rin po rito sa mansiyon but she insist na kailangan niya pa rin so hinayaan ko na lang po, Tito," ani Hubert kay Don Manuel. "Oo nga naman, Cass. Bakit hindi ka na lang sa resort magtrabaho instead na rito sa mansiyon?" muling tanong ni Don Manuel sa kaniya. "Okay lang po ako, Sir. Hindi naman po kasi ako nakapatapos ng kolehiyo. Saka wala naman pong masama kung maninilbihan pa rin po ako rito sa inyo," magalang niyang sagot sa Don. "Hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral? Bakit hindi mo na lang tapusin ang pag-aaral mo?" tanong uli sa kaniya ni Don Manuel na kaagad namang sinang-ayunan ng nobyo. "Tito is righ

