"Ang sakit! Ang sakit-sakit ng ginawa mo sa akin, Manuel. Akala ko nagbago ka na at natutunan mo na akong mahalin pero peke lang pala ang lahat. Saan ba ako nagkulang sa'yo? Ginawa ko naman ang lahat ng maibigan mo. Ano bang meron ang Rowena na iyon na wala ako?" tanong niya sa kaniyang sarili habang humahagulgol. Pinahid niya ang kaniyang mga luha at naupo sa upuan na nakaharap sa salamin. "Huwag mong ikumpara ang iyong sarili sa babaeng iyon, Amanda. Dahil kahit saang anggulo ay wala siyang pantapat sa'yo. Tandaan mo rin na patay na siya at ikaw ang buhay na kasama ngayon ni Manuel. Kaya 'wag kang magpadala sa iyong emosyon. Gamitin mo ang pagkakataong ito para ipakita kay Manuel na ikaw ang nararapat sa kaniya at hindi si Rowena. Na ikaw ang nasa tabi niya hanggang sa gumaling siya.

