Pagkatapos ni Hubert magtrabaho sa opisina ng mga Del Fuego ay excited na siyang umuwi ng Isla dahil nami-miss na niya ang kasintahang si Cassandra. Habang papalabas siya ng building ay tumunog ang kaniyang cellphone. "Hello, Bro? Napatawag ka?" tanong niya kay Zander na siyang tumawag sa kaniya. "Nasa office ka pa ba?" tanong din nito sa kaniya. "Palabas na ako ng office. Bakit?" tanong niya uli sa kaibigan. "Can you drop by here at the hospital? Hinahanap ka kasi ni Daddy," sabi sa kaniya ng kaibigan. "Sige, Bro," masaya niyang tugon. Hindi niya maitago ang saya na kaniyang nararamdaman nang malaman na gising na si Don Manuel. Dahil sa magkakalapit lang naman ang mga building na pag-aari ng Del Fuego ay patakbo siyang tumawid patungo sa hospital. "Its good you're here. Kaka

