"Manang, pinapunta raw po tayo ni Don Manuel sa hospital," sabi ni Cassandra kay Manang Meding pagkatapos nilang mag-usap ni Zander sa cellphone. "Talaga? Gising na si Sir Manuel?" nakangiting tanong ni Manang. "Opo at nais nga raw po ako makausap. Sinabi ko po na andito na kayo kaya sumama ka na raw po," sagot niya. "Sige, magbihis ka na para makaalis na kaagad tayo," sabi sa kaniya ni Manang. Mabilis na nagtungo sa kuwarto si Cassandra para magpalit ng damit. Nang handa na siya ay nagtungo na sila ni Manang Meding sa helipad kung saan naroon ang helicopter na magdadala sa kanila sa Las Palmas. "Nakakakaba pong sumakay ng helicopter, Manang. Nanginginig nga po ako nang first time kung sumakay," sambit niya nang Papasa kay na sila. "Huwag kang kabahan. Magagaling ang piloto rit

