Chapter 16

1587 Words

"Ito ang aking unang halik. Ang sarap pala sa pakiramdam," usal ni Cassandra sa kaniyang isipan nang magdikit ang kanilang mga labi ni Hubert. Naging banayad ang mga halik sa kaniya ni Hubert. Marahil ay naramdaman nito na hindi pa siya marunong makipaghalikan. Ngunit ilang saglit lang ay nakikisayaw na rin ang kaniyang mga labi sa labi ng binata. Ibinuka pa niya ang kaniyang bibig. Ipinasok ni Hubert ang dila nito at ginalugad ang loob niyon. Dahil sa kiliting dulot ng masarap nilang halikan ay napapaungol na ng mahina si Cassandra. Hanggang sa ipinulupot na niya ang kaniyang mga kamay sa leeg ng binata na tila ba may sarili iyong mga pag-iisip. Dahan-dahan siyang inihiga ni Hubert sa kutson na nakalatag sa sahig ng kubo. Alam niya ang mangyayari kapag hindi niya pinigilan ang binat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD