"Cass, gising na," narinig niyang tawag sa kaniya ni Hubert. Uminat muna siya saka dahan-dahang iminulat ang kaniyang mga mata. "Aray ko, ang sakit ng katawan ko," maktol niya sabay hawak sa kaniyang balakang. Hinalikan siya ni Hubert sa labi saka ito nagsalita ng nakangiti. "Pagod ka lang sa naging labanan natin sa magdamag." "Ito naman, pinaalala pa talaga. Nahihiya tuloy ako," aniya sabay takip ng kamay sa kaniyang mukha na namumula. "Bakit ka naman nahihiya? Ginawa natin 'yon dahil gusto natin pareho and we enjoy it. Bakit, hindi mo ba nagustuhan?" tanong nito sa kaniya. "N-nagustuhan," nahihiya pang sagot niya. "Iyon naman pala eh. Kaya bumangon ka na riyan para maihatid na kita sa inyo dahil kung hindi ka pa babangon ay baka magbago pa ang isip ko lalo na at hubo ka pa,

