"Anong tinitingnan mo riyan?" mataray na tanong ni Yvonne kay Cassandra. Kasalukuyan kasi siyang nakasilip sa papaalis na si Hubert. Nagtago lamang siya sa isang malaking halaman sa gilid ng mansiyon. "W-wala naman po, Senyorita," sagot niya rito. "Anong wala? Sinungaling ka talaga," bulyaw sa kaniya ni Yvonne. "May kailangan po ba kayo?" tanong na lamang niya para maiba ang kanilang usapan. "Oo. Labhan mo iyong paborito kong dress. Make sure na hindi mo iyon masisira dahil napakamahal ng damit na iyon," wika nito habang nakapameywang pa. "Sige po," aniya rito. Pumasok na siya sa loob samantalang si Yvonne naman ay humabol kay Hubert. Hindi na niya nakita kung ano ang ginawa ng dalawa. "Bagay nga kayong dalawa. Parehong masama ang ugali niyo," pabulong niyang sabi habang na

