Chapter 19

1559 Words

"Itago mo itong cellphone ko. Gamitin mo ito kapag kailangan mo ng tulong. Andito sa loob ang mga numero nila Sir Manuel maging ni Senyorito Zander at Hubert. Sila lang sa ngayon ang makakatulong sa'yo laban sa mag-ina na iyan," sabi sa kaniya ni Manang bago ito umalis. Kinuha niya ang cellphone ni Manang. Nilagay niya sa silent mode iyon bago ipinasok sa bulsa ng suot niyang short na nakadoble sa kaniyang uniporme. "Tandaan mo, Cassandra, ang lahat ng mga ibinilin ko sa'yo, ha?" sabi pa sa kaniya ni Manang. "Opo, Manang. Sige po at baka mapag-iwanan na kayo ng bangka," aniya na pilit na pinalalakas ang loob para hindi na ito mag-alala sa kaniya ng husto. Pagkaalis ni Manang ay muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Kitang-kita niya ang pamamaga ng kaniyang mukha dahil sa pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD