Napabalikwas ng bangon si Cassandra nang may marinig siyang ingay. Dahil madilim sa loob ng maliit na silid na iyon ay hindi niya alam kung saan galing ang ingay na iyin. "Aahhhh! Dagaaaa..." sigaw niya nang maramdamang may daga na dumaan sa kaniyang paa. Dali-dali siyang tumayo at nagpapadyak habang tumitili. Takot na takot kasi siya sa daga. "Tulooong... Palabasin niyo na po ako rito," sigaw niya habang pinupukpok ang pintuan gamit ang kaniyang mga kamay. Ngunit bigo si Cassandra. Tila wala nang nakakarinig sa kaniyang mga sigaw. Sa kakatalon niya ay narinig niyang may bumagsak sa sahig. "Cellphone! Ang cellphone ni Manang," bulalas niya. Ngayon lang niya naalala ang maliit na cellphone na binigay sa kaniya ni Manang Meding bago ito umalis. Kinapa niya iyon sa sahig kahit na n

