"Kailangan kong sundin ang nais ni Yvonne para sa ikakatahimik ng lahat. Alam kong ako rin ang kawawa kapag nilabanan ko siya. Sino ba naman ang maniniwala sa tulad kong katulong lamang sa mansiyon na ito? Kahit si Hubert malamang ay hindi niya rin ako kayang ipaglaban sa demonyong mag-ina," sabi ni Cassandra sa kaniyang sarili habang patungo siya ng basement. Malaki na ang pasasalamat niya at napalabas siya ni Yvonne sa madilim na bodegang iyon. Akala niya pa naman ay doon na siya mamamatay. Takot na takot siya kanina hindi sa kaniyang sariling buhay kundi sa kaniyang mga kapatid na maliliit pa para muling maulila. Pansamantala niyang tinakpan ang kaniyang braso ng mahabang manggas para hindi makita ang paso ng sigarilyo. Buo na ang kaniyang pasya na itatago sa lahat ang naranasan niy

