Pagkaalis ni Hubert sa basement ay hindi mapigilan ni Cassandra ang umiyak. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bibig para hindi siya makalikha ng ano mang ingay. Nang mahimasmasan na ay tinapos na niya ang ginagawang paglilinis. Pagkatapos ay nagtungo siya sa kuwarto nila ni Manang. Nararamdaman niya kasi ang hapdi ng kaniyang paso sa braso. "Aray..." mahinang hiyaw niya habang nilalagyan niya ng betadine ang pinaso ni Yvonne ng sigarilyo. Halos maihi siya sa hapdi ngunit tiniis niya iyon. Iniisip niya na baka magka-infection ang kaniyang sugat. "Walang hiya talaga ang bruhang iyon. Halos ayaw akong padapuan ni Mama sa lamok pero siya nilagyan pa niya ng peklat ang makinis kong balat," wika niya sa kaniyang isipan. "Sana lang talaga anak ako ng mayaman parang katulad sa teleserye

