"Bakit ganiyan ang mukha mo? Hindi ba dapat masaya ka dahil sa walang nangyaring masama kay Cassandra?" tanong sa kaniya ni Zander nang makabalik na siya sa Las Palmas. Kasalukuyan na silang nasa roofdeck ng tinutuluyan nilang hotel dahil sa tapos na ang seminar at training sa araw na iyon. Tumawa naman siya ng mapakla saka tiningnan ang kaibigan. "I don't know if it's okay to tell you this pero sa tingin ko ay kailangan mo ring malaman. Tita Amanda and Yvonne are both hurting Cassandra. Ayaw nilang umamin but I saw it in her body. They abused her lalo na si Yvonne," sabi niya saka huminga muna ng malalim bago nagpatuloy. "I'm sorry, Bro, pero hindi ko kaya na malaman na sinasaktan nila ang babaeng espesyal sa akin at hindi tama na manakit sila ng tao," dagdag pa niya. "What? So toto

