Halos manginig ang kalamnan ni Donya Amanda sa galit nang marinig niya ang ibinalita ng kaniyang tauhan. "Bantayan niyong maigi si Manuel at alamin niyo ang pinag-usapan nila ng imbestigador," mariin nitong sabi sa kausap. "Masusunod po, Madam. Babalitaan ko po kayo kaagad," sabi ng lalake sa kabilang linya. "Ano na naman kaya ang binabalak mo, Manuel? Akala ko ba kaya ka lumuwas ng Maynila ay para sa negosyo natin? Bakit tila iba ang inaatupag mo?" tanong ng Donya sa sarili. Nagsalin siya ng alak sa braso saka ininom iyon. Kahit wala pang laman ang kaniyang sikmura ay uminom pa rin siya. Pakiramdam niya kasi ay umakyat lahat ng dugo niya sa kaniyang ulo at tanging ang alak lamang ang magpapakalma sa kaniya. "Mommy, umiinom po kayo?" tanong sa kaniya ni Yvonne. Kasalukuyan kasi s

