"Bye, Ate," sabay na wika ng kaniyang mga kapatid nang magpaalam na si Cassandra na papasok na sa trabaho. "Bye! Magpapakabait kayo ha? Pauwi na si Manang mamaya kaya makakauwi na ako rito," sabi niya sa mga kapatid. Niyakap niya muna ng mahigpit ang mga ito bago magpaalam kay Aling Conchita. "Mag-ingat kayo," bilin pa nito sa kanila ni Chino. Magkasunod silang lumabas ng bahay ni Chino. Ngunit nagulat siya pagkalabas niya ng gate nang makita ang motorsiklo ni Hubert. "Good morning, Mahal ko," nakangiting bati nito sa kaniya. Kaagad namang nawala ang tampo niya rito. Sa totoo lang ang na-miss niya rin kaagad ang nobyo. Lumapit ito sa kaniya at dinampian siya nito ng halik sa labi at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry for what I did last night, huh?" sabi nito sa kaniya habang ma

