Chapter 45

1649 Words

Pagkaalis ni Hubert ay mag-isa na lamang si Cassandra sa mansiyon. Hindi niya kasi alam kung anong oras darating si Manang Meding. Nilinis na niya ang lahat ng kuwarto at ibinaba lahat ng maruruming damit ng mga amo. Pagkatapos ay nagtungo siya sa library at opisina ni Don Manuel. "Parang familiar sa akin ang painting na ito. Saan ko na nga ba nakita iyon?" tanong niya sa kaniyang sarili habang tinitingnan ang isang maliit na painting na nakasabit sa pader ng opisina ni Don Manuel. Ilang beses na siyang nakapasok doon pero ngayon niya lang iyon napansin dahil nga sa maliit lang ang painting kumpara sa ibang mga nakasabit. Nang hindi niya maalala ay hinayaan na lamang niya at ipinagpatuloy na ang ginagawang paglilinis. Tanghali na ng matapos niyang malinis ang loob ng buong mansiyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD