Chapter Forty Nine

1384 Words

CHAPTER FORTY NINE KATELYN "Magpahinga na muna kayo. Wala pa kayong tulog," anang Tiya Lily sa amin nina Cindy habang binibigyan kami ng sopas na luto niya. Tatlong araw nang nakaburol si Papa sa kaniyang bahay, at heto nga si Cindy at Rappy ay dumalo nga kaagad nang sa ganoon ay masamahan nila ako. Halos tahimik lang ako sa loob ng tatlong gabing ako ang nagbabantay sa lamay, nakikinig sa mga kuwento ng mga kaanak ni Papa tungkol dito noong nabubuhay pa ito at malakas pa. Hindi ko maitatanggi na lahat sila ay mahal si Papa, tinanggap nila si Papa sa kabila ng mga pagkakamali nitong nagawa noong kabataan nito. Ang sabi pa nila ay hindi mapapalitan ng mga kasalanan ni Papa ang katotohanan na mapagmahal itong anak, kaibigan, kapatid at ama-amahan kay Ella. Kita naman sa pagluluksa ni Ella

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD