CHAPTER FORTY EIGHT CINDY "What? Gusto mong iwan ka namin dito?" hindi ko makapaniwalang bulalas habang pinagmamasdang maigi si Katelyn na ngayon ay kaharap ko sa dining. Kasalukuyan na namin pinag-uusapan ni Rappy kung anong oras kami uuwi dahil lubog na ang araw, nang biglang sabihin ni Katelyn na hindi siya sa amin sasama sa pag-uuwi at magpapaiwan na lang muna rito sa Bulacan. Tinabing ni Kate ang mga hiblang nakaharang sa pisngi niya saka diretsang tumango sa akin. "Nandito na ako, hindi naman puwedeng bigla na lang akong mawala pagtapos kong magpakita." Tumingin na muna ako sa bokana ng dining diretsa papunta sa sala kung saan naroon si Martin Ignasio. Naroon na lahat ng kailangan nito upang hindi na ito mahirapan sa pagkilos. "Naiintindihan ko naman, pero hindi naman kita puw

