CHAPTER FIFTEEN KATELYN When the mindsets and heart beat isn't saying the same. "What are you doing there?" Halos mapatalon ako nang biglang may magsalita sa gitna ng pananahimik ko habang nag-aayos ng mga bulaklak. Nagpasya akong simulan ang umaga ko sa pagiging creative ko upang buong araw akong maging masipag sa lahat ng mga plano kong gawin ngayong araw at sa susunod pa. Sa susunod na linggo ay may trabaho na ako, mahihirapan nanaman akong bigyang oras ang garden ko, kaya naman naisipan kong pagtuunan ito ng pansin ngayong araw. Napansin ko kahapon na malalago na ang bermuda kaya naman nagpasya akong gupitin ito, matapos ay inayos ang ilang bulaklak sa mga paso at mga nakatanim lang sa lupa. Hawak ang malaking gunting panggupit sa mga tinik ng rosas nang tingalain ko si Rappy na

