CHAPTER FOURTEEN KATELYN The lovely memories is in your heart. Malalim ang pag-iisip ko habang nakatingin sa rear view mirror sa gilid ng bintana kung saan kitang-kita ko ang Taal Volcano na tila sinusundan kami sa likuran habang papalabas kami ng Tagaytay sakay ng civic ni Kuya Jake. Balak ko sanang bawiin ang sinabi ko kanina na sasabay ako kay Kuya Jake papuntang Maynila, tutal iniwan na kami ni Rappy. Sinabi ko lang naman kasi iyon para tigilan niya ang plano na samahan ako pa-Maynila. Ang kaso si Tito Larry na ang nagsabi sa anak, kaya heto hindi ko na nabawi. Alangan namang sabihin kong 'wag na dahil wala na si Rappy. Mabait naman si Kuya Jake kaya kaagad siyang pumayag. Hindi naman ito ang unang beses na nakisabay ako, minsan nga sila pa ang nag-aalok sa akin. Pero ito ang una

