CHAPTER THIRTEEN KATELYN Going back to the start isn't easy. Halos ilayo ko sa tainga ko ang cellphone nang humalakhak si Cindy nang pagkalakas-lakas. Hapon na kaya naman naisipan niya akong tawagan para kumustahin kung ano nang nangyari sa 'Stay live' na tanging pinanghahawakan ko buong araw. Alam ko namang hindi siya nag-aalala sa akin, gusto lang niya ng tsismis. "Sino ba 'yang Kuya Jake na 'yan at bakit hindi ko pa siya nakikita kahit madalas ako diyan?" tanong niya nang natatawa pa rin. Sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa napag-usapan namin ni Rap kanina, na nilalagyan niya ng malisya ang pakikipag-usap ko kay Kuya Jake. Dahil doon ay naikuwento ko na rin tuloy sa kaniya ang pagpapaalis sa akin kahapon ni Kuya Jake hanggang sa pagkakasundo namin noong dinner. Kahit iyong nangyari

