CHAPTER 2

1710 Words
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ibinigay na saakin ni Manang ang uniform ko at ipinaliwanag na rin sa'kin ni Jane kung saan lang ang lilinisin namin. Tatlong kuwarto lang daw ang puwede naming pasukin habang ang ibang silid sa pinakadulo ay hindi namin puwedeng pakialaman. Ang silid naman ni Señorito Axel ay puwede lang naming puntahan para linisin kung ipag-uutos nito. Subalit kung wala siyang utos ay bawal kaming lumapit doon o kahit sumilip manlang. Abala ang buong mansyon sa paghahanda para sa pag-uwi ng Señorito. "Kinakabahan ako, nandito na naman si Señorito Axel kailangan na naman nating maging maingat sa mga kilos natin," rinig kong sambit ng kapwa ko kasambahay na naglilinis sa sala. Napadaan kasi ako rito dahil inutusan ako ni ate Tess na kumuha ng pamunas sa kusina. "Sinabi mo pa. Halos hindi na huminga ang mga tao rito tuwing andito siya," dagdag pa ng kasama niya na nagpupunas naman ng mga figurines. Ganun ba talaga kasungit ang Axel na iyon at sobrang takot sa kanya ang mga tao rito? Pag-akyat ko sa third floor ay isang nakapamewang na ate Tess agad ang sumalubong sa'kin. "Bakit ba ang tagal mo? Pupunasan mo pa ang bintana sa kuwarto ng Señorito bago siya dumating!" inis na sambit nito. "Pasensiya na po, naligaw po kasi ako," pagsisinungaling ko, kahit ang totoo ay nakichismis pa ako doon sa sala. "Hay naku! Oh siya magmadali ka na at parating na si Señorito!" Itinulak niya ako papunta sa kulay itim na pinto na nasa pagitan ng dalawang kulay grey na mga pintuan na kasama sa mga puwede naming linisin. "Ate Tess! Kailangan namin ng isa sa inyo na sasalubong kay Señorito! Walang magbibit-bit ng maleta niya paakyat dito." Nagkatinginan kami ni Joan nang humahangos na tumakbo palapit saamin ang isa pang kasambahay. Iyon ang nakita ko kanina sa sala na naglilinis ng mga figurine. Tumingin sa'kin si Ate Tess at ngumisi. 'Oh no! Mukhang ako pa yata ang napili nitong ipakain sa leon na iyon!' exaggerated na bulong ko sa aking sarili. "Itong si Mia nalang ang dalhin mo. Matanda na ako at hindi ko na kakayaning magbuhat ng mga bagahe paakyat dito sa third floor," palusot ni Manang Tess. Tsk, hindi pa naman siya ganun katanda. Mas matanda pa nga sa kanya si Manang Beth dahil mukhang nasa 60+ na ang edad nito samantalang siya ay mukhang nasa late 40s palang. "A-ako nalang po ate Tess," pagboboluntaryo ni Joan. Mukhang napansin niya na medyo kinakabahan akong humarap sa Señorito masungit na iyon. "Eepal ka pa! Tapusin mo na ang pagpupunas mo riyan at baka mabahing ang señorito pagdaan niya dito pag may nalanghap siyang alikabok! Isunod mo na rin ang bintana sa kuwarto niya. BILIS!" Napanguso nalang kaming dalawa ni Joan. Mukhang ang hirap pakiusapan nitong si ate Tess. Mabibigat ang mga hakbang na naglakad ako pababa sa grand staircase. May elevator naman dito pero tanging mga amo lang namin ang puwedeng gumamit. Mahigpit na bilin iyon sa akin ni Manang Beth. Nakahilera kami sa mismong pintuan kasama ng iba pang mga katulong at mga lalakeng nakasuot ng itim na suit. Mukhang mga bodyguards sila ng pamilya Del Fuego. Maya-maya pa ay bumaba na si Don Franco. Ngumiti ito nang makita niya ako at dahan-dahang naglakad palapit sa'kin. Sa wari ko ay nasa 70+ na ang edad nito pero mukha paring malusog ang pangangatawan nito. Ni wala nga itong tungkod at mukhang hindi pa sumasakit ang tuhod dahil napansin kung hindi ito gumamit ng elevator, sa hagdan ito bumaba. Maputi na ang buhok nito at kulubot na ang balat pero hindi maikakailang guwapo parin itong tingnan. Matangos ang ilong, mga matang masayahin at perpektong hubog ng mukha. "Armea! Mabuti naman at nandito ka na," nakangiting sambit nito nang tuluyan nang makalapit sa'kin. Napatingin tuloy sa'kin ang ibang mga kasambahay at punong-puno ng pagtataka ang kanilang mga mukha. "Magandang umaga po Don Franco," medyo kabadong bati ko sa kanya. Naiilang kasi ako sa tingin na ipinupukol sa'kin ng mga kasama ko. "Unang araw ko po ngayon sa trabaho kaya medyo nangangapa pa po ako." Humalakhak ang matanda na naging dahilan para mas lalong magtaka ang ibang mga kasambahay. Siguro ay iniiisip nila kung bakit parang close kami ni Don Franco. "It's okay hija, masasanay ka rin sa mga gawain dito kapag nagtagal. Kung may problema ka ay sabihin mo lang sa'kin," bilin nito. Nahihiyang tumango lang ako. Maya-maya pa ay narinig na namin ang tunog ng papalapit na sasakyan at ilang sandali pa ay tumigil na sa harap ng malaking pintuan ng mansyon ang isang mamahaling sports car. "Maghanda kayo narito na si Señorito!" Natatarantang tumakbo palapit sa pintuan si Manang Beth at napaayos naman nang tayo ang lahat. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay parang tinatambol ang dibdib ko sa sobrang lakas ng t***k nito. Ganun ba talaga ako katakot sa taong 'yon o natatakot lang ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at umiral ang pagiging maldita ko sa sandaling sungitan ako nito? Baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkatanggal ko sa trabaho at pagpapatalsik sa pamilya namin dito sa Hacienda. Tumikhim si Don Franco at naglakad ito palapit sa pinto para salubongin ang apo niya. Bumaba mula sa sasakyan ang isang lalake na may kulay chestnut na buhok, maputing balat na animoy hindi nasisikatan ng araw at nang mag-angat ito nang tingin ay napaawang ang mga labi ko sa ganda ng mga mata nito. Mahahaba ang kanyang pilik-mata, makapal ang kilay at higit sa lahat agaw pansin ang kulay asul nitong mga mata. Nakasuot ito ng kulay puting long sleeves na nakatupi hanggang sa kanyang siko at kulay itim na pantalon. Makapal din ang kilay nito at may kakaibang awra na talagang mapapaatras ka kapag tiningnan ka niya. Nagkagulo agad ang mga kasama ko para kunin ang mga gamit niya mula sa kanyang sasakyan habang ako ay natuod na sa aking kinatatayuan. Nanatili akong nakatitig sa mga mata nito at nang bumaba ang tingin ko sa kanyang mga labing hugis puso ay mas lalo akong natulala. "Huy Mia! Anong tinutunganga mo diyan? Dalhin mo na itong maleta ni Señorito Axel." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pagtawag sa'kin ni Manang. Napansin kong napatingin rin sa'kin si Señorito Axel at bahagyang tumaas ang isang kilay nito. Mababakas sa mukha nito ang pagkairita. Dali-dali akong tumakbo para kunin ang kulay itim na maleta na hila-hila ni Manang. Sh*t! Nakalimutan ko na ang aking trabaho dahil masyado akong nag-focus sa pagmumukha nito. Bali tatlong maleta ang dala niya at isang kahon na kulay itim. "Who is she?" seryosong tanong nito. Tatlong beses akong napalunok sa tanong niyang iyon. "Anak siya nina Isabel at Mando. Dito na siya nagtatrabaho sa mansyon." Si Don Franco na ang nagpakilala sa'kin sa apo niya. Hindi ito sumagot, nakita kong nagmano nalang ito sa lolo niya. "How's your mom and dad? Kailan ba sila uuwi?" tanong ni Don Franco habang naglalakad sila ng apo niya papunta sa dining area kung saan sila kakain ng tanghalian. Nanatiling nakasunod lang ako sa kanila kasama ng tatlo pang kasambahay na bit-bit din ang ilan pang mga gamit ni Señorito Axel. Si Manang Beth naman ay tahimik na nakatayo lang sa tabi nito at mukhang takot ring magkamali gaya namin. Nauunawaan ko na ngayon kung bakit mas takot sila kay Señorito Axel kaysa kay Don Franco. Sa klase palang kasi ng pagtingin nito ay parang hihimatayin ka na sa takot. "Dad is still busy with some stuffs in Manila while mom is currently in London. But they promised to come home before your birthday next month," sagot ni Señorito Axel sa lolo niya. "That's good to hear. Sawa na ako mag-celebrate ng birthday na hindi kayo kasama." Napansin kong mas naging masaya si Don Franco sa naging sagot ng kanyang apo. Siguro ay talagang gustong-gusto niyang makasama ang pamilya niya pero dahil sa kanya-kanya nilang trabaho ay bihira lamang silang magkaroon ng pagkakataon na magkakasama. Pagkatapos magtanghalian ay nagpasya nang umakyat si Señorito Axel sa kanyang silid. Nagpaalam muna ito sa kanyang lolo na sinang-ayunan naman ng matanda. Marahil ay nauunawaan nitong pagod sa biyahe ang kanyang apo kaya hindi na muna siya nakipagkuwentuhan nang matagal at mukha rin namang hindi pala-kuwento ang apo niya dahil napansin kong tipid itong sumagot. Halatang napipilitan lang. Tahimik na nakasunod lang kami kay Señorito Axel nang tunguhin nito ang elevator. Ramdam ko ang kaba ng mga kasama ko. Ingat na ingat sila sa bawat hakbang nila at ganun rin naman ako. Syempre ayaw kong masisanti, kailangan ko ang trabahong ito para sa aking pamilya. Pipindutin na sana nito ang elevator nang bigla itong lumingon sa'min. "Have you forgotten the rules?" nahihimigan ko ang iritasyon sa boses nito kaya mas lalo akong naging uneasy. "P—po?" kinakabahang tanong ng isa naming kasama na siyang nagdala ng itim na kahon na hindi ko alam kung anong laman. "Tsk! STOP FOLLOWING ME AND USE THE STAIRS!" sigaw nito na nagpaigtad sa'min. Halos mabitawan ko pa ang maletang hila-hila ko. Pagsulyap ko sa mga kasama ko ay parang maiiyak na ang itsura ng mga ito. "Señorito may problema po ba?" kinakabahang tanong ni Manang Beth na biglang napatakbo sa gawi namin dahil sa lakas ng sigaw ng amo namin na pinaglihi pa yata sa sama ng loob. "Problem? You want to know what the problem is?" Napaatras si Manang Beth nang tumalim ang tingin nito sa kanya. "This stupid maids! Hindi mo ba sinabi sa kanila na bawal silang sumakay sa elevator?" galit na tanong nito kay Manang. "Pa—sensya na po." Hindi nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng kamay ni Manang. Grabe talaga ang Axel na ito, pati ba naman matanda susungitan niya? "GET LOST!" muling sigaw nito kaya kanya-kanyang takbo kami papunta sa grand staircase. Kahit si Manang Beth ay napasunod sa'min dahil sa pagkataranta at takot. Unang araw ko palang ay parang gusto ko na agad umuwi dahil sa lalakeng iyon. Parang hindi ako tatagal ng isang buwan rito kung siya ang palagi kong makakadaupang-palad. Baka mapuno ako at kung ano pang masabi ko na mas lalo nitong ikagalit at magulat nalang ako na nasa labas na ng mansyon ang mga gamit ko. Huhu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD