MIA'S POV; ——— Pagdating namin sa coffe farm ay sa bahay agad kami dumiretso para si papa na ang maglibot kay Señorito Caleb sa buong farm at siya na rin ang magpaliwanag sa kanya tungkol sa mga pasikot-sikot dito. "Ito pala ang bahay niyo?" tanong ni Señorito Caleb habang nakatingin sa bahay naming gawa sa kawayan at pawid ang bubong. "Opo Señorito, hindi man po ganun kagara pero promise masarap pong matulog dito kapag tanghali. Presko ang hangin na pumapasok sa loob at hindi mainit," pagmamalaki ko. Syempre kahit simple lang ang bahay namin ay hindi ko ito ikinakahiya. "I see. Mukha ngang komportable at masarap matulog dito." Napangiti naman ako sa sagot niya. Mabait talaga si Señorito Caleb at alam kong hindi niya ija-judge ang bahay namin. "Can I sleep here?" tanong niya sabay k

