MIA'S POV; ——— Kasama si Señorito Caleb ay naglakad kaming tatlo nila mama papunta sa taniman ng kape. Dala ni Señorito Caleb ang maliit na water jug na naglalaman ng dalawang litrong tubig habang ako naman ang nagdala ng malaking paperbag na naglalaman naman ng mga pagkain namin. Makikita sa mga mata ni Señorito Caleb ang pagkamangha habang pinagmamasdan niya ang mga namumulang bunga ng mga kape na hitik na hitik at ready na para i-harvest. "Pulang-pula ang mga bunga ang ganda nilang tingnan," namamanghang sambit nito. Natawa nalang si mama dahil ang cute tingnan ng kanyang reaksyon. "Ngayon lang po ba talaga kayo nakakita ng mga coffee cherries na hindi pa nahaharvest?" natatawang tanong ko. "Oo. Mahilig ako sa kape pero ngayon palang ako nakakita ng aktuwal na puno nito," sagot ni

