Kinabukasan maaga akong naghanda para bumalik sa bahay. Sinamahan ako ni Axel dahil ang palusot niya ay bibisita siya sa coffee farm at kailangan niya nang makakasama. At dahil doon ako nakatira at sanay ako don kaya ako ang isinama niya. Mabuti nalang at hindi na nagtanong pa si Don Franco at agad akong pinayagan.
"Hindi mo na sana ako sinamahan," sambit ko habang nakasakay sa passenger's seat ng kanyang jeep wrangler.
"At ano namang idadahilan mo kay lolo para payagan ka niyang umalis gayong kakauwi mo lang kahapon?"
May point naman siya. Nakakahiya kasi kung panay uwi nalang ako eh isang araw lang naman ang day off ko kada buwan.
"Minsan ka lang magtagalog pero ang cute," pang-aasar ko sa kanya.
"Don't change the topic Mia. Ibibigay mo ba ang pera sa mga magulang mo?"
Marahang tumango ako.
"Tell me if they need more," chill na wika nito na para bang hindi malaking pera ang hiningi ko sa kanya ngayon.
"Axel ang laki na ng naibigay mo sa'kin. Tama na 'to, pagsasabihan ko na si papa pagkatapos nito."
Yinakap ko nang mahigpit ang bag na may lamang pera. Isinilid kasi namin ito sa itim na bag para hindi rin mahalata ni Don Franco at ng iba pang tao sa mansyon na pera ang laman nito. Baka kasi kung anong isipin nila at nahihiya ako kay Don Franco, baka isipin niyang pineperahan ko ang apo niya.
"Ano bang ginawa ng papa mo? Did he owe money from someone?" Diretso lang sa daan ang tingin nito habang nagsasalita.
"Oo, nalulong kasi siya sa sugal. 'Yon din ang dahilan kung bakit ako natigil sa pag-aaral at nagtrabaho nalang. Natatakot ako dahil pinagbabantaan na siya ng mga taong inutangan niya."
Saglit siyang napalingon sa'kin dahil sa sinabi ko bago niya muling ibinalik ang tingin sa daan.
"What's your course?" tanong niya.
"Business Management," simpleng sagot ko.
Tumango-tango lang ito. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa dinadaanan namin. Nadaanan namin ang mga palayan, ilang araw nalang ay mag-aanihan na pala ng palay dito sa Hacienda dahil malapit nang mahinog ang mga ito.
"Do you want to study again next sem?"
This time ay ako naman ang napalingon sa kanya dahil sa pagkabigla.
"Pag-aaralin mo ako?" Parang 'yon kasi ang naiintindihan ko sa sinabi niya.
"Yes. I have a condo in Manila, you can stay there at bibisitahin nalang kita palagi."
"Ayaw kong mag-aral sa Maynila at ayaw ko rin na ikaw ang gumastos sa pag-aaral ko." Nakakahiya na kasi at mas lalong nakakahiya kapag nalaman ng pamilya niya na pinag-aaral niya ako.
"It's my own decision Mia. 'Yon nalang ang kapalit sa pagtulong ko sa'yo ngayon."
"Hibang ka na ba? Paanong naging kapalit 'yon eh parang ikaw parin ang lugi dahil pinag-aral mo pa ako?" Akala ko ako lang ang magulo ang utak minsan, pati rin pala siya.
"As long as it's for you hindi ako lugi." Saglit na lumingon pa siya sa'kin para kindatan ako. At nagliparan na naman ang mga paru-paro sa aking tiyan.
"So it's settled then, next sem ay mag-aaral ka na sa Manila. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay lolo."
Natahimik nalang ako, gusto kong itanong sa kanya kung kailan siya ikakasal at kung kailan uuwi ang fiancee niya pero hindi ko magawa dahil natatakot akong marinig ang sagot niya.
Pa'no kung malaman ng fiancee niya ang tungkol sa'min, and worst pag-aaralin niya pa ako? Sabi pa naman ni Joan maldita daw 'yon. Baka mamaya sabunutan nalang ako non at hilahin sa kung saan.
Inaamin kong natatakot akong mangyari 'yon, pero mas takot akong mawala siya. Mas takot akong maputol ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon kaya hindi ko siya magawang itulak palayo kahit pa alam ko na ang kahihinatnan ng lahat nang ito.
*******
Pagdating sa bahay ay kinuha na ni Axel ang bag mula sa'kin. Siya na ang nagbitbit nito papasok. Nagulat pa sina mama at papa sa pagdating namin. Hindi ko alam kung kilala ba nila si Axel pero sa pormahan palang nito ay batid kong alam nila na mayaman ito.
"Ma—upo kayo." Agad na inalis ni mama ang pamaypay na gawa sa abaniko na nakalagay sa mahabang upuan namin para makaupo doon si Axel.
"Anak sandali lang mag-usap tayo." Pagkatapos ay hinila naman niya ako papasok sa kusina habang si papa naman ang naiwan kay Axel.
"Bakit kasama mo si Señorito Axel?" So kilala pala ni mama si Axel? Well, hindi na ako magtataka dahil madalas naman silang pumunta sa mansyon ako lang ang hindi.
"Ma, sa kanya ako humiram ng pera para makabayad si papa sa mga utang niya," pag-amin ko.
"Nahihibang ka na ba? Paano mo nahingi ang tulong niya eh alam ng lahat kung gaano kasungit 'yan? Halos lahat dito ay takot sa kanya."
"Ma hinaan mo ang boses mo baka marinig ka niya," saway ko kay mama dahil medyo napalakas ang pagkakasabi niya non.
"Anak naman kasi, kinakabahan ako sa ginagawa mo eh."
"Ma, mabait naman po si Señorito. Hindi lang talaga siya palasalita at madaling mairita pero matulungin po 'yan. Hindi po siya nagdalawang-isip na tulungan ako matapos kong sabihin sa kanya ang tungkol sa problema ni papa," paliwanag ko sa kanya, kahit ang totoo ay hindi ko agad nasabi kay Axel kung para saan ang pera na hinihingi ko dahil hindi naman ito nagtanong. Pumayag agad ito kahit hindi pa niya alam kung anong paggagamitan ko.
"At anong kapalit ng pagtulong niya?" Naningkit ang mga mata ni mama.
"Babayaran ko po siya kada sahod ko," pagsisinungaling ko. Ayaw kong magsinungaling kay mama pero kailangan. Ayaw ko siyang mag-alala para sa'kin.
"Babayaran? Pa'no? Habang buhay kang magtatrabaho sa mansyon? Hindi ka na makakapag-aral anak!" Halos maiyak na si mama at napapadyak pa ito sa sahig.
"Ma huwag mo na munang isipin 'yan, ang importante makabayad si papa sa mga utang niya."
"Pa'nong hindi ko iisipin anak? Kinabukasan mo ang nakataya dito! Ayaw kong habangbuhay ka nalang na katulong! At isa pa, sabihin mo sa'kin ang totoo." Hinawakan ni mama ang braso ko at sumeryoso ang tingin nito sa'kin.
"May relasyon ba kayo ni Señorito Axel?"
Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko at mas lalong hindi ko alam kung ano nga bang meron kami ni Axel gayong may fiancee naman ito.
"Anak bakit hindi ka makasagot? Alam mo bang may fiancee na siya? Alam ng lahat na ikakasal na siya sa tagapagmana ng mga Hermosa!"
"Alam ko po 'yon ma." Napayuko ako at pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
"Alam mo naman pala pero bakit anak?" Kahit hindi ko kumpirmahin sa kanya ay alam kong alam ni mama na may namamagitan sa'min ni Axel.
"Ma, hayaan mo na muna po ako. Huwag kang mag-alala alam ko po kung pa'no at kailan ako titigil," pangako ko kahit sa totoo lang ay kasinungalin ang lahat nang iyon.
Hindi ko talaga alam kung makakaya ko bang bitawan siya pagdating ng panahon.
"Hay naku! Pinapasakit niyong dalawa ng papa mo ang ulo ko!"
Pinilit ko nalang matawa sa sinabi ni mama para hindi na siya mag-alala pa lalo. Yumakap ako sa kanya.
"Ma, kumalma ka. Alam ko po ang ginagawa ko," malambing na wika ko.
"Sana nga talaga anak, sana talagang alam mo ang ginagawa mo."
******
Pagkatapos nang naging pag-uusap namin ni mama ay binalikan na namin sina Axel at papa sa sala. At saka palang inabot ni Axel ang bag na may lamang pera kay papa.
"Señorito maraming salamat po," walang katapusang pagpapasalamat ni papa. Kulang nalang ay buhatin niya si Axel sa sobrang tuwa niya na sa wakas ay nasolusyonan na nito ang problema niya. Habang si mama naman ay walang imik na nakasandal lang sa pintuan namin na gawa sa kawayan.
Alam kong nag-aalala siya para sa'kin at pinipigilan niya lang ang sarili niyang kausapin si Axel dahil pinakiusapan ko siya na huwag nang magtanong pa tungkol sa aming dalawa.
"I will do anything to help Mia. I just hope that after this you will learn your lesson," walang emosyon na wika ni Axel.
Nahihiyang tumango naman si papa.
"Pa, mangako ho kayo sa'kin na titigilan niyo na ang pagsusugal!" pagpilit ko kay papa.
"Pangako anak, pasensiya na talaga kayo."
Tila nabunutan ako ng tinik sa naging tugon niya sa'kin.
"Hay naku Mando siguraduhin mo lang talaga dahil kapag napuno ako sa'yo ay hihiwalayan na talaga kita!" inis na wika ni mama.
"Ma naman."
Inirapan lang ako ni mama.
"We'll go ahead, just make sure na ibabayad niyo talaga ang perang 'yan para mapanatag na si Mia," muling paalala ni Axel bago ito tuluyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.
"Pangako Señorito, maraming maraming salamat po," muling pagpapasalamat ni papa.
Sana lang talaga ay matuto na siya at itigil na niya ang pagsusugal nang sa gayon ay hindi na siya mabaon sa utang.
"Good. Let's go Mia, we need to go back."
Tumango lang ako at nginitian ko muna sina mama at papa bago ako sumunod kay Axel na nauna nang lumabas.
Kitang-kita ko sa mga mata ni mama na may gusto siyang sabihin pero nag-aalangan siya dahil alam niyang sasama ang loob ko kapag ipinahalata niya kay Axel na tutol siya sa'ming dalawa.
"Mag-iingat kayo dito ma, pa. Mauna na ho kami." Yumakap muna ako sa mga magulang ko at nagmano bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan ni Axel.
Kumaway pa si papa na ngayon ay tila gumaan na ang pakiramdam dahil nagagawa na nitong ngumiti. Si mama naman ang naging malungkot ang itsura at tila may malalim na iniiisip.
'I'm sorry ma,' bulong ko sa hangin.