"Kailangan ko ng maglilinis sa hardin," bungad ni Manang Beth pagkaakyat nito sa third floor.
Wala naman kaming masyadong ginagawa nina Joan at Ate Tess kaya naupo nalang muna kami sa couch. May mini sala din kasi dito kagaya sa iba pang floors.
"Bakit? Asa'n ang mga hardenero?" Nahihimigan ko ang inis sa boses ni ate Tess. Ngayon pa nga lang kami makakapag-chill mukhang mauudlot pa yata.
"Sabay-sabay na nagday off."
"Sabay-sabay? Pumayag ang Don?" hindi makapaniwalang tanong ko. Kung kami ngang tatlo nina ate Tess ay hindi puwedeng sabay-sabay na mag-day off tapos 'yong mga hardenero pinayagan? Ang unfair ha!
"Wala rin namang magagawa ang Don dahil siya naman ang may ayaw na mag-day off ang mga ito noong nakaraang buwan. Kaya ngayon no choice siya kundi payagan silang tatlo dahil parehong sumakit ang mga likod nito."
Napatango nalang ako. Kung sabagay, medyo may katandaan na kasi ang mga hardenero dito sa Mansyon kaya siguro sumasakit na rin ang mga likod nila.
"Wala naman na kayong gagawin dito sa third floor kaya hali na muna kayo doon sa garden. Uuwi si Señorita Valeria bukas, ayaw na ayaw non na makalat sa garden." Tinaasan pa kami ng kilay ni Manang Beth at halatang naiinis na ito dahil sa dami ng tanong namin.
"Señorita Valeria?" Hindi ko yata narinig na ikuwento sa'kin ni Joan na may Señorita Valeria pa pala.
"Panganay na anak ng bunso ni Don Franco na si Señorita Malea," si Joan na ang sumagot.
"Hay naku, mataray din 'yon at ubod ng linis sa paligid niya parang si Señorito Axel. Parang mas gusto ko nga na si Señorito Caleb nalang ang umuwi kaysa sa dalawang 'yon eh." Natawa kami ni Joan sa sinabi ni ate Tess.
"Sino naman po si Caleb?" muling tanong ko.
This time ay si Manang Beth na ang sumagot.
"Si Señorito Caleb ay kapatid ni Señorita Veleria. Siya ang pinakapaborito namin sa lahat ng mga apo ni Don Franco dahil hindi ito nagsusungit. Palagi lang itong nakangiti at tuwing uuwi ito ay may dala itong pasalubong para sa lahat," kuwento nito. Mukhang nagmana ang ugali ng Caleb na 'yon kay Don Franco.
"Oh siya, tama na ang kuwentuhan at wala tayong matatapos na gawain kung pag-uusapan lang natin ang mga amo natin," saway sa'min ni Manang Beth.
"Magmadali na kayo at magdala ng walis, madaming tuyong dahon ang nakakalat doon," utos nito sa'min.
******
Kanya-kanyang kuha kami ni Joan ng walis habang si ate Tess ay kumuha ng gunting. Mukhang balak niyang putulin ang mga tuyong dahon na hindi pa nalalaglag sa mga puno nito.
Sinimulan na namin ang pagwawalis at sa magkabilang dulo kami para matapos kami agad. Masyado kasing malawak itong garden kaya sa tingin ko ay mangangawit ang likod at buong katawan namin nito.
Napahikab ako. Pa'no ba naman kasi eh gabi-gabi kaming busy ni Axel. Tuloy sa umaga ay parang ubos na ang lakas ko. Idagdag pa na wala rin akong maayos na tulog dahil madaling araw na ako tinigilan ng masungit na 'yon. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha lahat ng lakas niya at tila wala siyang kapaguran.
"Ayos ka lang?" Lumapit sa'kin si Joan. Siguro napansin niyang napatigil ako sa pagwawalis.
"Namumutla ka Mia." Nag-aalalang ipinatong niya ang kamay niya sa noo ko.
"Pagod lang siguro ako." Naglakad ako palapit sa bench at naupo. Si Joan naman ay iniwan na muna ang kanyang ginagawa para tumabi sa'kin.
"Magpahinga ka na muna, kami na muna ni Ate Tess ang bahala dito."
"Naku hindi puwede. Baka makita ako ni Manang Beth papagalitan ako non," pagtanggi ko.
Nakakatakot pa naman magtaray si Manang Beth.
"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Baka kasi mahimatay ka pa kapag pinilit mo ang katawan mo. Pumasok ka nalang sa loob at magpahinga."
"Salamat Joan." Mabuti nalang talaga at mabait itong si Joan.
Nginitian niya lang ako, "Sige na."
Lumingon muna ako sa kanila ni ate Tess bago ako tuluyang pumasok sa loob ng mansyon. Kanina ayos pa naman ang pakiramdam ko, pero ngayon tila ba naging lantang gulay nalang ako bigla.
Pinagpapawisan ako nang malamig at sobrang nanghihina.
Pagkapasok ay napatingin agad sa'kin ang ibang mga kasambahay na abala sa kani-kanilang mga gawain. Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin na ipinupukol nila sa'kin. Tila ba may lihim na galit ang mga ito at ang sama ng tingin nila.
Papunta na sana ako sa Maid's Quarters nang bigla akong napaupo sa sahig. Napasinghap ang lahat dahil sa pagkagulat. Pilit akong tumayo pero tila nanginginig ang mga tuhod ko.
"Are you okay?" Nag-angat ako ng tingin at ang nag-aalalang mukha agad ni Axel ang bumungad sa'kin. Mukhang kagagaling lang nito sa pag-eehersisyo dahil sa suot nito at sa pawisan nitong katawan.
Hindi ako makasagot, I'm too weak to utter a word. Nagulat ako nang bigla niya akong binuhat at doon lamang ako nagkaroon nang lakas ng loob na magsalita.
"Axel! Don't!" pagpoprotesta ko. Kahit hindi ko kasi tingnan ay alam kong nasa aming dalawa na ang atensyon ng lahat.
Hindi ito sumagot, bagkos ay nilingon nito ang mga kasambahay na agad namang nag-iwas nang tingin dahil sa takot.
Wala na akong nagawa nang buhatin ako ni Axel papasok sa kuwarto namin ni Joan.
"Where's your bed?" seryosong tanong niya.
Itinuro ko naman agad ang higaan ko dahil baka mairita pa ito sa'kin kapag hindi ko siya sinagot agad.
Dahan-dahan niya akong inilapag doon at tinanggal niya ang suot kong sapin sa paa.
"How are you feeling?" Dinama niya ang aking noo para i-check kung may lagnat ako.
"Nanghihina lang ako."
"Hindi ka siguro kumain ng agahan. Stay here and I'll get you something to eat. I'll grab some vitamins and fresh orange juice too." Napangiti ako, ang sarap sa pakiramdam na makita siyang nag-aalala para sa'kin.
"Why are you smiling?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Wala lang, masaya lang ako."
"Don't try to joke with me Mia. Rest, I'll get your food." Nagmartsa na ito palabas ng silid at naiwan akong nakangiti.
Masaya ang puso ko sa pinaramdam niya sa'kin ngayon. I feel so happy na finally naramdaman kong nag-aalala siya para sa'kin.
*******
"I'll take you to the hospital tomorrow," biglang sambit ni Axel habang nagbabalat ng mansanas. Katatapos ko lang kumain at pinainom niya rin ako ng vitamins at fresh orange juice.
"Axel hindi na kailangan. Napagod lang siguro ako sa mga ginagawa natin," pagpigil ko sa kanya.
Uuwi pa naman bukas ang pinsan niya. And besides ang pag-istay palang nga niya sa kuwarto namin ngayon para alagaan ako ay tiyak kong big deal na para sa lahat. Pa'no pa kaya kung dadalhin na niya ako sa ospital?
"The more I need to take you to the hospital then."
Napakamot nalang ako sa ulo ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kukumbinsihin na huwag nalang dahil hindi naman ganun kalala ang sakit ko para paabutin pa sa ospital. Nanghina lang talaga ako, that's it.
"Hindi na nga kailangan!" Medyo napataas na ang boses ko.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata na mas lalong nagpa-guwapo sa kanya.
"Are you yelling at me now Mia?"
"Of course not, Señorito," natatawang dipensa ko.
"You better be sure of it or I'll ask compensation for it." Lumagkit ang tingin niya sa'kin kaya naman nahampas ko siya sa braso.
"Now you're hurting me," he said huskily.
Bahagyang napaatras ako nang unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa'kin.
"A—xel!" Muli kong hinampas ang balikat niya na nagpatawa sa kanya. Ang cute niya talaga kapag tumatawa.
"Here." Inabot niya na sa'kin ang mansanas na binalatan niya tapos muli siyang bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
"I'm just teasing you. Take a rest for now, we'll exercise again when you're okay." He winked at me na nagpabaliw sa mga paru-paro sa aking tiyan.
"Ang harot mo!" Natatawang kinagat ko nalang ang mansanas. Mas lalo itong tumamis dahil si Axel ang nagbalat.
Pagkatapos kong kumain ay naupo siya sa kama at pareho kaming sumandal sa headboard. Hinila niya ako at yinakap.
"Axel?"
"Hmm?"
"Everyone saw what you did earlier. Alam din nilang lahat na andito ka sa loob ng kuwarto ko para alagaan ako," kinakabahang sambit ko.
"And so?" Marahang hinampas ko ang dibdib niya dahil sa naging sagot niya.
"Anong and so ka diyan?" Nag-angat ako nang tingin. I glared at him na ikinatawa niya. He kissed my forehead.
"Let them think whatever it is that they want to. I am one of their masters so they can't talk behind my back. They clearly know the consequence of talking behind me and making up stories," cool na sagot nito.
Napabuntong-hininga nalang ako. He's right, takot nga pala sa kanya ang mga kasambahay kaya siguradong magiging tikom ang mga bibig ng mga ito sa nakita nila. Pero pa'no kung si Don Franco mismo ang makaalam?
"Hindi ka ba natatakot na baka may isa sa kanilang magsumbong sa fiancee mo pagbalik niya rito?" hindi ko mapigilang itanong. Hindi ito sumagot, binalot kami ng katahimikan. Ang kaligayahang naramdaman ko kanina ay parang bulang naglaho at napalitan nang lungkot dahil sa pananahimik niya.
I'm afraid to face our reality, kaya mas pinipili ko nalang mabuhay sa pantasyang ito kahit na alam ko na hindi ito magtatagal.