GLASE POINT OF VIEW Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog kaiisip sa halik ni Sir Kellix. Bakit niya ako hinalikan? Para saan 'yon? “Nakakainis naman! Lumayo ka na sa isip ko! Gusto ko na matulog!” naiinis kong saad. Nagpagulong-gulong na ako sa kama at naglilikot pa pero hindi ako inaantok. Buhay na buhay ang sistema ko. Nakakainis talaga! Ipinikit ko ang mga mata ko at naaalala ko na naman. “B-babalik n-na po a-ako sa kuwarto k-ko, Sir Kellix,” saad ko at aalis na sana nang hawakan niya ang kamay ko. Lumingon ako sa kaniya. “Bakit po Sir?” tanong ko. Wala akong nakuhang sagot. Isang mabilis na halik sa labi ang natanggap ko. “Bumalik ka na sa kuwarto mo,” aniya at binitiwan na ang kamay ko. Tulala ako hanggang sa wala na siya sa harapan ko. Anong gagawin ko ngayon? Parang

