GLASE POINT OF VIEW Tanghali na ako nakababa. Nakita ko si ate Lay na nasa sala. “Ate Lay,” mahinang tawag ko sa kaniya. Napalingon naman siya sa akin at ngumiti. “Oh, Glase, ikaw pala 'yan. Maluluto na ang tanghalian. Hahatiran na lang sana kita ulit kaso bumaba ka na. Ayos ka na ba talaga?” aniya at halatang nag-aalala pa rin. Ngumiti ako sa kaniya. “Ayos na po ako. Nahihiya po ako kung hindi ako magtatrabaho. Ahm, nasaan po si Krizza? Naroon po ba siya kay Sir Kellix?” tanong ko. “Oo, magkasama ang mag-ama. Nasa hardin, kanina pa. Hayaan mo muna sila, minsan lang mag-bonding ang mag-ama kahit na work from home lang si Sir,” tugon ni ate Lay. “Ah, ganoon po ba? Puwede po ba akong tumulong na lang sa mga gawain niyo? Ayoko naman pong magkulong sa kuwarto,” nakangiting saad ko.

