Chapter 43 ISABELLA'S POV "Hello, babe?" wika ko sa kabilang linya. "Babe, anong nangyari? Tinatawagan ko 'yong phone mo pero naka-off." "Grounded ako," mahina kong tugon. Baka nasa paligid lang si Tita Elinita. Ayokong marinig niya na may kausap ako sa phone. "Kinuha nila phone ko at laptop. Bawal din ako lumabas ng bahay." "I'm sorry kung wala akong nagawa kanina. Pupunta ako diyan mamaya, kakausapin ko ulit si tito." "I miss you," nalaglag ang mga luha ko nang sabihin iyon. "I miss you, too, babe. Pupuntahan kita mamaya." "Maraming tauhan si daddy na nakabantay sa paligid ng bahay. Hindi ka nila papapasukin." "Walang problema 'yon, babe. Ako pa ba? Basta pupuntahan kita mamaya. Kumain ka na ba?" "'Yong binili mong cake ang kinain ko. Nasusuka ako do'n sa niluto ni yaya. Di ko

