Chapter 44 RAINE'S POV "Sinabi ko naman sa 'yo na itigil mo na ang pakikialam sa mga aktibidades namin, Monteero. Nagkurus na naman ang landas natin." "Nagkataon lang na nandito ako, kaya nagkurus ang landas natin." "Dahil sa kaniya?" itinuro niya si Isabella. Umling-iling siya. "Iba ka talaga, Monteero. 'Wag mong sabihing seryoso ka sa anak ni Al? Dahil alam ko ang mga nakaraan mong relasyon. Parang nagpapalit ka lang ng damit kung magpalit ka ng babae." Di ako umimik. Nakikiramdam lang ako. "Tinamaan sa anak ni Al, boss. Sabagay maganda naman talaga itong anak ni del Mundo." Tumingin ito sa nakaluhod na mag-ama. Niyakap ni Tito Al si Isabella. Awang-awa ako kaniya. Dinadala niya ang anak ko, tapos ito ang mararanasan niya. Nagtatagis ang mga bagang ko habang nakatingin kay Arbo.

