Chapter 45 RAINE'S POV "Welcome back, babe," I said as I hugged her and kissed her temple. "I love you." Napakasaya ko dahil kasama ko si Isabella pauwi. Pinaupo ko siya sa couch at hinaplos ang tiyan niya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaanak na kami. "I love you, too, Raine." She smiled at me. Ang ngiti niyang laging nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Such a gay s**t! Pero siya lang ang nakakagawa sa akin no'n. Hindi ko alam na magiging ganito ako kakorni pagdating sa kaniya. Sa lahat ng mga babaing nakarelasyon ko, sa kaniya ko lang nagawa ang mga bagay na kahit ako ay di makapaniwala na magagawa ko. Nasanay ako na lagi akong hinahabol, sinusuyo. Hindi ako sanay na tinatanggihan o iniiwan ng babae. Naging motto ko na sa buhay na ang mga babae ay ginawa para pa

