Chapter 46 ISABELLA'S POV Umiyak ako nang makaalis na si daddy. Nag-uunahang pumatak ang mga luha ko sa pisngi. Akala ko okay na. Akala ko magiging maayos na ang lahat ngayong magkakaanak na kami. Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin para matanggap niya si Raine. Gusto kong malaman kung sino ang taong pinatay ng ama ni Raine at gano'n na lang ang galit ni daddy sa mga Monteero. "Si Tito?" Boses iyon ni Raine. Pasimple kong pinunasan ang pisngi ko. Ayokong makita niya na umiiyak ako. "Nakaalis na." Pumiyok ang boses ko. "Umiiyak ka?" Umupo siya sa tabi ko at iniangat ang baba ko gamit ang hintuturo niya. "Why?" "Nothing," maikling sagot ko. Umiling siya. Alam kong hindi siya naniniwala sa sagot ko. "Come on, babe. Tell me." Niyakap niya ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa mg

