Chapter 15 RAINE'S POV Tuwang-tuwa ako nang dumating si Isabella sa coffeeshop. Ngunit naisantabi ko ang plano kong sabihin sa kaniya nang masilayan ko ang inosente niyang mukha. Imbes na maupo kami sa mesang naroon, dinala ko siya sa opisina. Nagpadala na lang ako ng pagkain doon. Nang makalabas ang waiter na inutusan ko, mabilis kong sinara ang pinto at isinandal doon si Isabella. Ikinulong ko sa mga kamay ko ang mukha niya ngunit pilit niya iyong inilayo. "Raine, 'wag. Baka mapagalitan tayo ng may-ari. Tsaka bakit tayo nandito sa loob?" "Kung doon kasi tayo sa labas, hindi kita mahahalikan nang ganito. Hmm..." Muli kong hinuli ang mga labi niya at siniil ng halik. Walang kasingtamis iyon! Napakasarap sa pakiramdam. Nakakaadik! Laking tuwa ko nang kusa siyang rumesponde sa halik ko

