CHAPTER 60 Nakasakay sila sa jeep pauwi sa bahay nina Leon. Nasa pagitan nina JB at Leon si Gio habang nakaupo naman sa harapan niya sina Lulu at Vicky. May hawak siyang bottled water na tinanong ni Leon kung may laman pa. "Meron pa," sagot niya. "Painom," sabi ni Leon at kinuha ang bote sa kamay niya. "Eww... Iinuman mo talaga kahit ininuman na ni Gio?" tanong ni Vicky. "Wala naman akong sakit, V. Maka-eww ka." "Kahit na. May laway mo na 'yon." "I don't mind," sagot ni Leon at saka uminom. "Vicky, may bagong episode 'yung kdrama na pinapanood natin. Nood tayo sa bahay ah." Buti na lang at nagsalita si Lulu at napunta rito ang atensyon ni Vicky. Umiinom pa si Leon nang madaan sila sa lubak kaya kumaldag ang jeep at bahagyang tumapon ang iniinom na tubig nito. "Nabasa ka," sabi ni

