CHAPTER 61 Pagmulat ng mga mata ni Gio wala na si Leon sa kama. Kumakamot pa siya sa tiyan nang ibaba niya ang mga paa sa sahig at naupo sa gilid ng kama. Ilang minuto rin siyang nakatulala nang pumasok si Leon sa kwarto na nagpupunas ng bibig gamit ang tuwalya na nakasabit sa balikat nito. “Good morning!” masayang bati nito. Tumabi agad ito sa kanya sabay halik sa balikat niya at yakap sa tagiliran niya. “What do you want for breakfast?” Umiling siya at itinuro ang bibig niya. Kagigising pa lang niya kaya ayaw niyang magsalita. “It’s okay.” Umiling siyang muli. “Kaya nga kitang halikan ngayon,” sabi nito kaya nanlaki ang mga mata niya lalo na nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Dahil sa ginawa ni Leon, napahiga siya sa kama. Pilit pa rin siyang gustong halikan ni Leon kaya itinakip na

