CHAPTER 62

2103 Words

CHAPTER 62 “Gio, para kang tanga. Kung makaiyak ka d’yan parang hindi na babalik si Leon,” puna ni Vicky sa kanya. Bumubuhos kasi ang luha niya. Sunod-sunod ang mga patak nito. Ang mga mata niya’y parang gripong sira. Kahit punasan niya ng panyo ang mga mata niya, nababasa lang ito uli nang dahil sa pag-iyak niya. “Kapag ikaw umalis Vicky, hindi kita iiyakan. Malungkot lang ako kasi first time ‘to na may kaibigan na malalayo sa ‘kin. Lahat ng mga kaibigan at kababata ko nandito pa rin. Kung may lumipat man ng school sa kabilang bayan lang. Isang jeep o tricyle lang ‘yon,” sagot niya sa matalik na kaibigan habang hihikbi-hikbi siya. Hindi pa alam ni Vicky na karelasyon na niya si Leon kaya ganoon na lang siya kung makaiyak. Hindi lang matalik na kaibigan ang malalayo sa kanya kundi noby

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD