CHAPTER 32 “Wait lang,” sabi ni Leon sa kanya. Sunod na lang niyang nakita ang puting kisame ng kwarto na kinaroroonan nito. “Red, really looks good on you,” narinig niyang sabi ni Leon. “Really?” sagot ng babae. “You just need to lose a little bit weight here.” “Hey! Stop!” Narinig niyang sigaw ng babae na may halong tawa na para bang kinikiliti. Narinig rin niyang tumatawa si Leon. Hindi niya gusto ang mga naririnig niya. Lalo siyang nagseselos. Sa opisina nila, wala siyang pinagseselosan dahil kahit maraming nagkakagusto kay Leon, wala naman itong pinapansin. Sa labas ng opisina, silang dalawa naman ang magkasama, at kahit maraming mga babae ang napapalingon kay Leon, ang mga mata naman nito sa kanya lang nakatingin. Kaya kahit kailan ay hindi pa niya naranasang magselos. Ngayon lan

