CHAPTER 39 “Rain bitaw. Huwag matigas ang ulo. Bitaw,” saway niya sa kuting na nakakapit pa rin ang lahat ng mga paa sa Christmas garland na hawak niya. Sumisipa-sipa pa ang mga paa nito sa likuran. Mula nang makita nito ang mga dala siyang Christmas décor sa kwarto ay wala na itong ginawa kundi laruin ang mga ito. Panay pa ang labas-pasok nito sa kahon kanina at ngayon naman ang garland naman ang napagdiskitahan na laruin. Isasabit pa naman niya ‘to sa itaas na parte ng bintana sa kwarto niya. May mga natanggal na ngang dekorasyon sa garland dahil sa kakalaro ni Rain dito. Binitawan na muna niya ang garland at saka niya tinanggal ang pagkakakapit ni Rain dito at inilayo niya muna ang kuting bago niya ipinatong sa mataas na lugar ang garland para hindi na ito maabot at mapaglaruan uli.

