CHAPTER 38

2557 Words

CHAPTER 38 “Ano’ng hinahanap mo d’yan?” tanong ng ina ni Gio sa kanya nang makita siya nito na naghahalungkat sa mga kahon sa loob ng bodega nila. Nakatayo sa labas ng kwarto ang kanyang ina habang dala ang mga nakatiklop na mga bagong laba na mga damit. “Dadalhin ko itong mga damit mo sa kwarto mo pero narinig kong may kumakalampag dito sa bodega. Titingnan ko dapat dahil akala ko’y daga. Ikaw lang naman pala.” “Hinahanap ko po kasi ‘yung mga lumang Christmas décors natin.” “Kulang pa ba ‘yung mga nilagay ko sa buong bahay natin?” tanong uli nito sa kanya. Naitayo na kasi ng ina ang kanilang Christmas tree bago pa siya umuwi galing Manila. Pati nga mga sapin ng sofa at dining table nila kulay Pasko dahil magkahalong pula at green. Ang hagdan nila sinabitan din nito ng mga artificial

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD